GMA Films on Gabby Concepcion: "He has to honor what he signed."

"We were in constant communication until nagulat na lang kami na dumating na nga siya dito [sa Pilipinas]. Samga email niya, sinabi pa nga niya na ‘excited to work with you,partner.' Two weeks pa lang ang nakakaraan nang nakipag-communicatesiya," says GMA Films President Annette Gozon-Abrogar about Gabby Concepcion (inset).



Nagpadala ang GMA Films ng isang liham kay Gabby Concepcion at sa manager nitong si Mrs. Rose Flaminiano. Ang nasabing sulat ay isang paalala raw ng Kapuso film outfit sa kontratang pinirmahan ni Gabby noong nakaraang September 2007 para gumawa ito ng pelikula sa kanila.

Noong April 1, pumirma si Gabby ng isang exclusive two-year contract sa ABS-CBN at Star Cinema.



Ayon kay GMA Films president Annette Gozon-Abrogar, hindi raw sila nababahala sa pagpirma ni Gabby ng kontrata sa Kapamilya network.

"Basta yung provision sa contract that he cannot start working sa ibang film outfits. Kung nag-sign siya [sa iba], then nag-sign siya. But he cannot start working on a movie until matapos niya ang contract niya sa atin," pahayag ni Ms. Annette sa GMA News at PEP (Philippine Entertainment Portal).

"He has to honor what he signed," diin pa ng GMA Films president.

Ipinunto rin ni Ms. Annette na nakapagpadala na sila ng paunang bayad kay Gabby noong isang taon pa, matapos pirmahan ng aktor ang kontrata. Umabot daw ng P1.75 million ang natanggap ng aktor.

"Its not just a signed contact, we fulfilled part of the obligation and we gave him down payment," dagdag ni Ms. Annette.

Nakausap naman namin ang manager ni Gabby na si Mommy Rose at sinabi nitong handa raw isauli ng aktor ang kanyang natanggap.

Ayon kay Ms. Annette, may ilang provisions ang kontrata ni Gabby sa GMA Films na kailangan daw i-review ng nagbabalik na aktor. Isa na rito ang clause sa kontrata na nagbibigay ng karapatan sa GMA Films na mag-produce hanggang dalawang pelikula na dapat pagbidahan ng aktor.

"Actually, the provision of our contract said that it's for one movie. But we also have exclusive rights to the second movie if we serve it a notice within three months after the termination of the first movie," iginiit ng GMA Films president.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ABORTED COMEBACK. Ang pelikulang I.T.A.L.Y. sana ang pagbibidahan ni Gabby opposite Jolina Magdangal. Pero sa kanyang pagtanggi sa dapat ay comeback movie niya, napunta ito kay Dennis Trillo.

Ayon pa rin sa kanyang manager, tinanggihan daw ni Gabby ang pelikula dahil sa ilang detalye.

"Hindi nag-materialize kasi nga hindi niya nagustuhan ang script. Para sa kanya, inisip niya it's a comeback picture. Kapag comeback picture, naka-sentro sa kanya. E, hindi ganoon ang nangyari," sabi ni Mommy Rose.

Pero ayon sa GMA Films, hindi raw nila maintindihan ang pagtalikod ng aktor sa proyekto gayung makukunsiderang isang engrandeng produksiyon ang I.T.A.L.Y.

"This is a very big-budget movie. It will be shot in three continents. It will be shot onboard one of the most beautiful cruise liners. We gave him [Gabby] the best movie. Ayoko lang i-preempt pero napakaganda ng story line niya dun," sabi ni Ms. Annette.

Hindi rin daw nila maintindihan kung bakit biglang-bigla ang pagbabago ng isip ng aktor gayong madalas ang pakikipag-usap nito sa mga opisyal ng GMA Films tungkol sa proyekto.

"We communicated frequently through emails," sabi ni Ms. Annette. "Kapag kausap pa niya yung line producer and supervising producer, more than one hour sila sa phone. We were in constant communication until nagulat na lang kami na dumating na nga siya dito [sa Pilipinas]. Sa mga email niya, sinabi pa nga niya na ‘excited to work with you, partner.' Two weeks pa lang ang nakakaraan nang nakipag-communicate siya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN