Character actress Arci Muñoz dreams of Miss World title

"Kasi walapa namang nananalo sa ating Ms. World, 'di ba? Malay ninyo kapag halimbawangako ang nag-represent sa bansa natin para sa Ms. World, ako
ang kauna-unahang makakuha ng title?" Arci Muñoz shares her dream to be aMs. World winner.



Sa seryeng Maging Akin Ka Lamang ng GMA-7 ay kontrabida ang role ngyoung actress na si Arci Muñoz. Sa huling serye niya, sa Pati Ba Pintig ngPuso ay kontrabida rin siya versus ang bidang si Yasmien Kurdi.

Laging kontrabida role ang ibinibigay ng Siete kay Arci, pero okey lang yun sadalaga. Enjoy naman daw siya sa pagiging character actress.

"Mas enjoy po ako sa kontrabida role kasi para sa akin mas challenging yunat hindi po ako nasasaktan. Ako po ang nanakit," sabi ni Arci sa panayamsa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa pocket presscon para sakanya ng GMA Artist Center na ginanap kahapon, April 2 sa Cheescake, TomasMorato Ave., Q.C.

Effective namang kontrabida sa telebisyon si Arci dahil may mga times na ‘pagnaglalakad daw siya ay may mga nagagalit sa kanya.

"Pero hindi naman sila yung talagang nagagalit sa akin. Parang sinasabilang nila, 'Ang sungit-sungit mo! Idol ko si Yasmien, ba't mo siya sinasaktan?Pero gusto rin kita.'" Natatawang kuwento ni Arci.

IDOL. Si Cherie Gil ang paboritong character actress ni Arci.

"Napapanood ko yung mga pelikula niya before at sa TV rin. Magaling talagasiyang kontrabida. At saka yung style niya, hindi siya yung parang palengkerana ano.

Kasi ganoon din po palagi yung role ko, yung disente, na mayaman, yung maartena mataray. Para nga pong si Ms. Cherie Gil at ni Ms. Celia Rodriguez."

MISS WORLD. Samantala, may plano pala si Arci na sumali sa Bb. Pilipinas.Pangarap din niyang maging isang beauty queen balang araw.

"Sumasali na naman po ako sa mga beauty contest noon pa. Pangarap konamang sumali sa Bb. Pilipinas pero siguro two years pa from now.

"Gusto ko kasing isali ang kapatid ko roon, next year, e. Ayoko namangmagkalaban kami. Saka sasali rin yung friend kong si Rhea [Nakpil, kasabay niyasa StarStruck]. Ayoko namang kami ang maglaban-laban," sambit pa ni Arci.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang title na Miss World ang gustong masungkit ni Arci once na nag-join na siyasa Bb. Pilipinas.

"Kasi walapa namang nananalo sa ating Miss World, di ba? Malay ninyo kapag halimbawangako ang nag-represent sa bansa natin para sa Miss World, ako ang kauna-unahang makakuha ng title? ‘Di naman po masama ang mangarap, diba?"

Maraming hindi nakakaalam na rakista itong si Arci. In fact, may banda siya,yung Fhilia, kung saan ay siya ang lead vocalist.

Mapapanood si Arci sa April 5 sa Amoranto Stadium kasama ang kanyang banda parasa benefit concert na For Thy Sake, kasama ang ilan pang mga sikat nabanda. Ang proceeds nito ay mapupunta sa Unang Hakbang Para sa Kinabukasan,project ng GMA Kapuso Foundation.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN