Marco Alacaraz will play a merman in "Dyesebel"

Hunky young actor Marco Alcaraz will play one of the mermen in GMA-7's upcoming fantaserye Dyesebel.



Nagbunga na rin ang religious workout ng hunky young actor na si Marco Alcaraz sa gym para mas lalo pang mapaganda ang kanyang katawan. Preparasyon na rin ito dahil kasama siya sa nalalapit na malaking proyekto ng GMA 7, ang Dyesebel.

Kakailanganin ni Marco na maging very hunky pa lalo ang kanyang physique dahil gaganap siya bilang isang merman (lalaking sirena) sa naturang fantaserye. Sa halip na hitsura ng isang siyokoy, isa siyang lalaking may buntot ng isda sa upcoming fantaserye.

Noong Martes, April 1, ay nag-swimming lesson na si Marco sa Pansol, Laguna. Bukod kay Marco, nag-training din sa paglangoy ang bidang si Marian Rivera na gaganap bilang Dyesebel at ang iba pang gaganap na mga sirena at merman gaya nina Lotlot de Leon, Mylene Dizon, at Alfred Vargas.

Nag-swimming lesson din si Paolo Ballesteros, although hindi pa kami sigurado kung sirena or merman ang gagampanan niya.

Mula alas-diyes ng umaga hanggang alas-tres ng hapon daw nagsanay ang grupo. Bukod sa paglangoy, tinuruan din sila kung paanong huminga sa ilalim ng tubig with the help of oxygen tanks.

Sa actual taping kasi, sa pagkakaalam namin, since sa kailaliman ng dagat ang maraming eksenang kukunan, malamang na may mga naka-standby na oxygen tanks sa mga artista para hindi na sila mahirapan sa pag-ahon sa ibabaw ng tubig upang huminga.

Tatlong taon nang certified diver si Marco. Nakapag-training na rin siya sa Anilao, Batangas at sa Guam kaya nag-enjoy siya sa experience na ito.

Sa training nila last Tuesday, ipinasuot na sa kanila ang mga costumes nilang mga buntot ng sirena. Nahirapan daw si Marco sa umpisa dahil mabigat ang kanilang buntot, pero nang nasanay na raw ay okay na. Sa pagkakaalam namin, dark red ang kulay ng buntot ni Marco.

Bago ang training ng grupo na kinabibilangan ni Marco sa Pansol, nakapag-pictorial na ang buong cast sa GMA Complex last March 31. Nagkaroon na rin sila ng storycon noong March 27 at nakapag-workshop na rin si Marco last March 25.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN