Riza Santos on the men in her real and reel life

"I've known Mark longer,but I know Will better," says Riza Santos about Will Devaughn and MarkBautista. Both men are being linked to her. "I've known Mark since my Canada days. We had a chance to be friends since then."Will on the other hand, was her housemate during her PBB Celebrity Edition 2days. Riza also denies being courted by Dobol Trobol co-star Vic Sotto.



"Just being in the movie with Dolphy and Vic Sotto is already a very huge honorfor me, that's why I am still ecstatic even if they say I am only a secondchoice," walang gatol na pahayag ni Riza Santos sa PEP (PhilippineEntertainment Portal) tungkol sa isyung panakip-butas lang siya sa role natinanggihan ni Marian Rivera sa pelikulang Dobol Trobol kung saan bidasina Vic at Dolphy.

Aniya, kakaibang experience daw ang nararanasan niya dahil sa sobrangpag-aalalay sa kanya ng dalawang comedy superstars.

"Bossing Vic is very supportive, he makes me feel at ease.He tells me the right pronunciation of the Tagalog words I am supposed to deliver in a scene. Hedoesn't look annoyed when I make mistakes, instead, he laughs it off para ‘diako mapahiya," lahad pa ni Riza.

"Dolphy is so tahimik, but he shows he supports me a lot."

BOSSING'S NEW GIRL? Anak ni Dolphy ang role niya sa movie at si Vicnaman ang suitor niya. At dahil nga kilalang matinik pagdating sa babae siBossing Vic, naitanong din kay Riza kung tila nagpaparamdam sa kanya ito.

"Nothing, it's just in the scenes we do. Wala po, wala pongganoon. He is a gentleman. I like him," halong garil na Tagalog at English nasagot nito sa amin.

Nang punahin nga ng mga kausap niyang press ang kakaibang accent niya, sinabini Riza na nag-aaral siyang magsalita nang tamang Tagalog.

"Whenever I have the time, I try to study how [to speakproper Tagalog].

Lagi na lang daw kasing balikbayan ang role niya dahil sabalakid ng ‘di niya pagsasalita ng maayos na Tagalog. "I know it is verylimiting, like I always play a balik-bayan in all the movies I make. Of course,I would like to do other roles, too."

RELIGION VS. SHOWBIZ. Bukod sa pelikula nina Dolphy at Vic Sotto, kasamarin si Riza Santos sa Torotot ng Viva Films. Marami pa siyang ibangproject, at aniya malaki ang pasasalamat niya sa pagbibigay ng malalaking breaksa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kay Riza na rin namin napag-alamang graduate pala siya ng Bible College sa Calgary, Canada. Isang pastor ang ama niya kaya gustorin niyang sundan ang mga yapak nito. Balang araw raw, nakikita niyang magiging alagad din siya ng Diyos.

Sa kabila ng kasalukuyang tagumpay na tinatamasa niya sa kanyang showbizcareer, nasa plano pa rin ni Riza na magtapos ng isa pang college course nakinuha niya bago siya nakapasok sa showbiz.

"I also took up a medical course but I stopped two yearsago. I plan to go back to school because I still believe that a collegeeducation is the best fallback. If I don't make it [big] in show business,"sabi pa niya.

At dahil nga sa background niya sa religion, hindi ba siya naiilang nakailangang magpe-sexy siya at magsuot ng mga skimpy suits, lalo na sa mgapictorial sa mga magazine?

"Nope, this is pure work. My religious upbringing hasnothing to do here. May father trusts me so much, that he doesn't meddle withmy showbiz affairs," paliwanag pa ni Riza.

Hanggang ngayon daw, loveless pa rin siya.Totoo pa rin daw yung sinabi niyang ‘di pa siya nagkaka-boyfriend. Inaminniyang very close sila ni Will Devaughn pero aniya, pareho raw silang sa careermuna ang focus ngayon.

"Sayang naman, we are given this rare chance and we both don't want to spoilthis. Sayang talaga."

Pero malinaw na special sa kanya si Will, kumpara kay Mark Bautista na noon aynagdeklarang hayagan niyang liligawan si Riza. Nakapunta na si Mark sa bayan niRiza sa Canada.

"I've known Mark longer, but I know Will better,"makahulugang sabi pa ni Riza. "I've known Mark since my Canada days. He did a concert in my hometown and he was a guest, together with some stars like Sarah Geronimo in my tito's house.We had a chance to be friends since then," pagtatapat pa ni Riza.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


"But he doesn't make ligaw to me. He's just a very good friend," mulingsabi pa ni Riza.

Matatandaang nagbitiw ng salita noon si Mark na hindi siyatitigil hangga't hindi niya napapasagot si Riza.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN