Stars escape summer heat to work or rest abroad

(Clockwise from top right) Sharon Cuneta, Jericho Rosales, Piolo Pascual, and Vilma Santos.



Stars come and go—that is, in and out of the country.

Dahil na rin siguro ng init ng panahon ngayon dito sa Pilipinas, ilan sa mga celebrities natin ang nagte-take advantage upang magtrabaho abroad to escape the summer heat. Meron namang iba na galing sa abroad, pero nag-decide na umuwi ng Pilipinas to work here and also enjoy the summer heat.

Walang dudang ang "comeback of the year" ay ang pagbabalik ng dating matinee idol na si Gabby Concepcion. Much has been written about Gabby's homecoming after 13 years, and it seems that we'll hear and read more about him in the coming weeks because he recently signed a two-year contract with ABS-CBN and Star Cinema.

Dumating si Gabby sa Pilipinas last Sunday, March 30, and ABS-CBN hosted a grand presscon for him earlier today, April 4, attended by more than 100 members of the entertainment press.

Isang pang dumating ay si Piolo Pascual noong Tuesday, April 1, mula sa kanyang matagumpay na concert tour sa U.S. at Canada. Magre-resume na siya ng kanyang taping para sa kanyang teleserye sa ABS-CBN na Lobo with Angel Locsin.

Parang pinagtiyap naman ng panahon na ngayong araw rin ang alis ng ex-wife ni Gabby na si Sharon Cuneta papuntang London para sa shooting ng first film niya after five years, ang Caregiver ng Star Cinema. Kasamang umalis ng Megastar si Rica Peralejo at iba pang cast ng naturang pelikula.

Intriga tuloy ng iba, para talagang sinadya ni Sharon na umalis ng bansa dahil sa pagbabalik ng ama ng kanyang panganay na anak na si KC Concepcion. Pero nilinaw naman ni Sharon at ng Star Cinema na matagal nang naka-schedule ang pag-alis ng Megastar bago pa man bumalik sa bansa si Gabby.

Isa pang paalis ngayong araw na ito ang young actor na si Jericho Rosales papunta namang Malaysia. Sisimulan na rin kasi ang taping ng teleserye niya na co-production ng ABS-CBN at Malaysia's Double Vision. Kapareha ni Jericho sa yet-untitled project ang Malaysian actress-model na si Carmen Soo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngayong araw rin ang alis ng Star For All Seasons at Batangas governor Vilma Santos papuntang U.S. for a much-needed vacation, kasama ang kanyang pamilya. Halos yearly ang ginagawang pagbabakasyon ni Gov. Vi sa ibang bansa para makapagpahinga sa kanyang trabaho bilang public servant. Ito rin ang dahilan kung kaya't hindi pa siya makagawa ulit ng pelikula; her last film was Regal Entertainment's Mano Po 3: My Love which was shown in 2004.

Lastly, this day rin umalis ang cast ng I.T.A.L.Y.—including Rufa Me Quinto, Dennis Trillo, Mark Herras, Rhian Ramos, and Eugene Domingo—papuntang Europe para sa shooting ng GMA Films movie na ito. Nauna nang umalis ang isa pang bida ng pelikula na si Jolina Magdangal noong April 1.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN