Dingdong Dantes remains loyal to Karylle despite onscreen romance with Marian Rivera

"Given na wala kaming mga sariling partners, mas okay na kami sa nangyayari sa amin ngayon. It works as friends," says Dingdong Dantes about the possibility of having a romantic relationship with screen partner Marian Rivera.


Sa kasagsagan ng Marimar fever, ilang ulit nabalita ang madalas na pagtatalo at muntik-muntikang breakup diumano nina Dingdong Dantes at Karylle dahil sa hindi raw mapigilang pagseselos ni Karylle sa makatotohanang pagganap nina Dingdong at Marian Rivera sa nasabing teleserye ng GMA-7.

Ngayong kumpirmado na ang muling pagtatambal nina Dingdong at Marian sa TV adaptation ng Dyesebel, tuluyan na raw na nauwi sa breakup ang relasyon nina Dingdong ay Karylle. Dagdag pa rito ang pagrereklamo daw ng mga malalapit na kaibigan at tagahanga nina Dingdong at Karylle kung bakit daw sinundan pa ng GMA-7 ng panibagong soap opera ang tambalang Dingdong-Marian.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Dingdong kagabi, April 4, sa Circle Café, nilinaw niya na maayos na uli ang relasyon nila ng girlfriend.

"We're okay now," sabi niya. "Siyempre, may mga panahon na nagkakaproblema, may mga di napagkakaintindihan, but we're fine now.

"Hindi naman maiiwasan kung may mga ganyang comments or reactions man ang iba. Kasi nagsimula kami ni Karylle bilang magka-partner. May mga taong nakagusto sa Karylle-Dingdong loveteam, same way din sa ibang mga naging ka-loveteam ko dati, nanatili din na nandiyan pa rin sila hanggang ngayon.

"Hindi maiiwasan na nag-e-expect pa rin sila na kahit papaano na sana kami uli ni Karylle sa susunod na project, pero di yun ang nangyayari. Nag-iba yung itinatakbo ng career namin; career niya as a singer, career ko as an actor. So hindi ko sila masisisi sa nararamdaman nila."

Balita na noon pa ang madalas daw na pagseselos ni Karylle kay Marian. Paano ipinaliwang ni Dingdong sa girlfriend ang pagtatambal nila ulit ng kapareha sa Dyesebel?

"Tingin ko naman, as long as na magiging mabuti para sa akin, natutuwa naman siya [Karylle]. Yung selos part, I don't know. Basta lang siguro walang magiging below the belt na mangyayari, everything is on the level naman," pahayag ng matinee idol.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala bang balak na imbitahin ni Dingdong sina Marian at Karylle sa isang dinner para makapag-usap at magkakilala sila nang husto?

"Ako, I wouldn't mind," sagot ng binata. "I think that's a good idea. Kung magkakaroon ng pagkakataon, why not? But I won't go out of my way para lang isipin at gawin ‘yan."

WORKING PARTNERS. Balita na may boyfriend na rin si Marian na isang varsity player ng isang kilalang university na nangangalang Ervic Vijandre. Nabalitaan na rin daw pala ito ni Dingdong, pero hindi niya
ito tinanong o kinumpirma sa kapareha.

"Honestly, nung una kaming nagkita ni Marian, hindi ko tinanong sa kanya. But may nagsabi lang sa akin bago pa man mag-Marimar, di ko kinumpirma sa kanya. I never asked her because personal ‘yon. I want to keep it that way at kung sakali mang magtanong siya o mag-confide, then I will give my advice.

"Yung relationship namin kasi is on a personal basis. At the same time, may halong trabaho lang. ‘Pag sa work, alam kong hinihiwalay niya yun," paliwanag ni Dingdong.



Mukhang hanggang pangtelebisyon at pampelikula lang talaga ang tambalang Marian-Dingdong. Pero kung saka-sakaling wala silang kanya-kanyang relasyon ngayon, bukas kaya sa posibilidad si Dingdong na maaaring mauwi sa totohanan ang relasyon nila ni Marian?

"Ayoko nang paabutin dun, masaya na ako sa nangyayari sa amin," maingat niyang sabi. "Given na wala kaming mga sariling partners, mas okay na kami sa nangyayari sa amin ngayon. It works as friends.

"Actually, we cannot say we're only friends. Magkaibigan kami at the same time, we work together. Hindi lang naman siya simpleng pagkakaibigan lang. Iba yung level of trust namin sa isa't isa. Yung mga roles na ginagampanan namin, halos ibinibigay namin ang buhay namin, so pinagkakatiwalaan namin ang isa't isa."



RICHARD GUTIERREZ. Umugong ang balita na sumama ang loob ni Richard Gutierrez sa hindi niya pagkakasama sa unang pagpapalabas ng summer station ID ng GMA-7 at dahil dito ay nagbabalak na raw siyang lumipat sa ABS CBN. Bilang mahigpit na kalaban ni Richard ngayon sa popularidad sa bakuran ng Kapuso network, hiningan namin ng reaksiyon si Dingdong tungkol dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Well, hindi ko pa naririnig directly from him. Maraming lumalabas na espekulasyon, but I don't want to comment on that. I believe that Richard is in a very good position in Channel 7," pahayag niya.

CONTROVERSIAL BILLBOARDS. Para sa iba ay masyadong provocative at stimulating ang billboards ni Dingdong para sa Bench, partikular na sa may Balintawak. May ilan nga raw na gustong magreklamo dito, partikular na ang mga moralista, dahil may kalaswaan daw ang nasabing billboards ng young actor.

"Unang-una, modelo ako dito. Hindi ako ang may-ari ng bakal na pinagtayuan, hindi ako ang may-ari ng Bench. Ako lang ang model ng Bench. Saka sa pagkakaalam ko naman, itong billboards na ito ay dumadaan sa ADBoard, isang grupo na nag-a-approve kung ano ang dapat ipaskil diyan. Alam ko lahat ng billboards, dumadaan sa kanila so pumasa yun sa kanila. Alam ko naman na hindi lahat ng tao sasang-ayon. Sa kahit anong batas naman, lahat di sasang-ayon.

"It will make you think, pag-iisipin ka, but I did it with a clear conscience. Wala akong masamang intention, masaya ako nang ginagawa ko yun. In fairness, yung shot na yun sa Balintawak, wala sa posing yun, sinabihan lang ako na mag-pose ka ng kahit ano. That's the only shot na wala sa series," paliwanag ni Dingdong.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN