Jon Avila answers questions about co-stars, safe sex, circumcision

"Well, I don't really have a sex life. So, I don't have it on my wallet now. But if I do have sex, yeah, I buy a condom," says Jon Avila about carrying a condom in his wallet.



Nagsimula nang mag-taping sa kanyang first lead role on television ang ex-housemate ng Pinoy Big Brother Celebrity Edition 2 na si Jon Avila. Pagkatapos ng media launch ni Jon bilang isa sa mga celebrity endorsers ng Active White last Thursday, April 3, dumiretso na siya sa first taping day ng bagong fantasy-series ng ABS-CBN, ang Komiks Presents Captain Boom.



"I'm excited. Yeah, medyo nervous pero kailangan kong mag-focus. Trabaho muna," umpisa ni Jon sa interview sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Tatakbo for 13 weeks ang bagong show ni Jon sa ABS-CBN, kasama sina Maja Salvador, Jay-R Siaboc, at ipinakikilala ang bagong artist ng Kapamilya network at love interest ni Jon sa Captain Boom na si Marianna del Rio.

Papalitan ng Captain Boom ang month-long drama anthology ni KC Concepcion na I Am KC. Ano ang feeling ni Jon na siya ang papalit sa timeslot ni KC?



"Napaka-blessed ko po," sagot niya.



ON MARIANNA. Ano naman ang masasabi niya kay Marianna?



"Ah, she's pretty," ngiti ni Jon.



Aware ba siya na na-link si Marianna kay Sam Milby at naging dahilan diumano ng hiwalayan ng mag-asawang Cesar Montano at Sunshine Cruz?



"I don't know if...what to...I spoke to her less than ten times. I had a workshop with her for three hours. My impression is she's really young. She's 17 years old and I'm 25," sabi ni Jon tungkol sa Brazilian model.



Pero alam ba niya ang isyu ng "simple flirting" ni Marianna kay Sam?



"She hasn't flirted with me. I haven't seen it or I haven't sensed it from her," paglilinaw ng hunky model-actor.



Paano kung siya naman ang i-flirt ni Marianna, bibigay ba siya?



"Probably I will turn her away kasi bata pa ‘yon, e," natatawa niyang tugon.



SAFE SEX. Napag-alaman naman namin mula sa isang malapit kay Jon na lagi raw may nakaipit na condom sa pitaka niya. Totoo ba ito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Well, I don't really have a sex life. So, I don't have it on my wallet now. But if I do have sex, yeah, I buy a condom," prangka niyang sagot.



Madalas ba siyang gumamit ng condom?



"Yeah, for safe sex," mabilis na tugon ng Fil-Irish na si Jon.



If ever may offer for him to be an endorser ng condom, papayag ba siya?



"Yeah, why not?" sagot niya. "I mean, safe sex. I think the Filipino community need to understand now about safe sex. Kailangan may boses to tell the young generation of Filipinos about safe sex. To make them aware of this, stuff like that. Yeah, I think they needed this."



MARIEL & ZANJOE. Kumusta naman ang puso niya pagkatapos biguin ni Mariel Rodriguez na mas pinili si Zanjoe Marudo?



"I'm very happy for them. No hard feelings," sabi ni Jon.



Nasaktan ba siya nang binasted siya ni Mariel?



"Turned down?" paglilinaw ng dating modelo na hirap pa rin sa pagta-Tagalog. "I respect her decision. She made a decision, so I respect that."



Sa tingin niya, ano ang advantage sa kanya ni Zanjoe kaya ito ang pinili ni Mariel?



"Well, he's a nice person. Siyempre, they've known each other for a long time. So, they have that bond, that deep bond they have. So, I mean, I don't want anyone to take that away from them," pahayag niya.



Naging madali ba sa kanya ang pag-recover ng bastedin siya ni Mariel?



"Yeah, it's her choice. Well, her choice is her choice. Whatever makes her happy."



CIRCUMCISION. Samantala, pinagdudadahan naman ng ilang entertainment press ang pagkakalalaki ni Jon. Posible raw na hindi rin circumcised si Jon tulad ng teen housemate sa PBB ngayon from Italy na si Alex. Isinilang at lumaki naman si Jon sa England.



"Yeah, I saw it [Alex' circumcision at PBB]. I heard nga it's a big thing here in the Philippines. Parang part of the culture," aniya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Tulad din ba siya ni Alex na uncircumcised?



"No, I'm circumcised. Since I was born," sabi niya.



What if hindi rin siya circumcised tulad ni Alex, papayag din ba siyang gawin yun inside the PBB house?



"Hindi," maikli niyang tugon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN