Jason Abalos to audition as leading man of Cristine Reyes in "Eva Fonda, 16"

"Hindi ko po alam kung ako nga ang makaka-partner niya at alam ko maynaunang audition nang naganap. First time ko pong mami-meet si Cristinesa Monday if ever dahil sabi sa akin yung audition, makakasama na siya," reveals Jason Abalos.



Posibleng si Jason Abalos ang maka-partner ni Cristine Reyes sa kanyang first show sa ABS-CBN, ang Eva Fonda, 16.

May isang meeting kaming pinuntahan kaninang tanghali, April 5, sa may Katipunan, Quezon City. Hindi ito para sa GMA-7 at hindi rin ito para sa ABS-CBN, ngunit mga tauhan ng nabanggit na dalawang TV networks ang nasa meeting.

Napag-usapan ang kaso ni Cristine dahil interesado ang mga taga-GMA-7 kung ano ang kasasapitan ni Cristine sa ABS-CBN, na sinasagot naman ng mga taga-Kapamilya.

Ayon sa naririnig nila sa loob, tuloy na tuloy raw ang remake ng Eva Fonda, 16. In fact, as early as February, nagmi-meeting na ang creative staff ng nasabing show at si Cristine na nga ang alam nilang magbibida rito.

This was during the months na nagpaparinig pa lang si Cristine na gusto na niyang umalis sa GMA-7 at makapagtrabaho sa ABS-CBN. Ito rin ang buwan na na-offer sa kanya ang Magdusa Ka, kung kaya't ang mga taga-ABS-CBN ang nagugulat kung bakit naalukan pa raw ang nakababatang kapatid ni Ara Mina ng show sa Kapuso network when they already knew at the time na palipat na nga ito.

Back to the business on hand, nag-lineup ng mga artistang puwedeng magamit sa project na pinag-uusapan at ang isa sa mga nabanggit ay si Jason Abalos ng Star Circle Quest 2.

Matagal nang walang regular show si Jason sa ABS-CBN after Ysabella, bukod sa one-month stint niya sa Your Song. Isang taga-ABS-CBN ang nagsabing hindi puwede si Jason na makuha dahil siya raw yata ang makakatambal ni Cristine sa Eva Fonda, 16

Kaninang hapon naman sa Station 168 Internet Café, nakita namin si Jason at tinanong namin kung ano ang alam niya sa posibleng pagtatambal nila kay Cristine.

"Wala pa po akong alam, pero may audition po ako sa Monday para sa Eva Fonda," sagot niya. "Hindi ko po alam kung ako nga ang makaka-partner niya at alam ko may naunang audition nang naganap. First time ko pong mami-meet si Cristine sa Monday if ever dahil sabi sa akin yung audition, makakasama na siya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN