Lolit Solis shares recollections and feelings about Gabby Concepcion

For Lolit Solis, all the pain and anger she felt towards former ward Gabby Concepcion is now water under the bridge. "Sa ‘kin wala na ‘yon. Napatawad ko na siya," shared Lolit yesterday, April 5, in Startalk. She was referring to their bitter fallout during the 1994 Metro Manila Film Festival scam.


Noong nakaraang Biyernes, April 4, ay inamin ni Gabby Concepcion sa press conference na inihanda ng ABS-CBN na kasama ang dating manager na si Lolit Solis sa mga taong na-miss niya sa loob ng 13 years na pamamalagi sa Amerika.

Bagama't hindi naging maayos ang propesyonal na paghihiwalay ng dalawa matapos ang 1994 Metro Manila Film Festival scam, ay sinabi ng aktor na hindi nawawala sa isip at puso niya ang mga magagandang pinagsamahan nila ni Manay Lolit.

"Hindi naman ako hihindi kung gusto niyang makipag-usap," sambit ni Gabby nang tanungin kung willing siyang makipagkita sa dating manager matapos ang kanilang chance encounter sa Las Vegas.

Para kay Gabby, nagkaayos na sila ni Manay Lolit pero kung sakali raw na hindi sapat ang Las Vegas reconciliation ay handa pa rin itong makipag-usap para maging maayos na ang lahat.

"Pero kung meron pang konting gusot pa e ‘di, you know, between the two of us," pahayag ni Gabby sa mga entertainment press.

MUTUAL FEELING. Kung si Manay Lolit ang tatanungin, para sa kanya ay closed chapter na rin ang naging tampuhan nila ng kanyang former ward.

"Sa ‘kin wala na ‘yon. Napatawad ko na siya," sagot ni Lolit nang tanungin ng Startalk co-hosts Butch Francisco at Joey de Leon kung talagang napatawad na niya si Gabo.

"Dapat ba meron siyang ihingi ng tawad sa ‘yo?" tanong ni Butch.

"Alam na niya ‘yon," mabilis na sagot ni Lolit, "dapat talaga siyang humingi ng tawad."

Ayon kay Lolit, sa tuwing naaalala niya si Gabby ay bumabalik sa isipan niya ang mapait na pinagdaanan niya noong kainitan ng MMFF scam. Si Lolit ang itinurong mastermind sa nangyaring switching of winners.

"Alam mo, Joey, everytime talaga nari-remember ko si Gabby nari-remember ko ‘yong darkest moment of my life ko, ‘yong scam. Kaya kung baga talagang nung mga panahon na ‘yon napakasakit ng ano ko kay Gabby, ng loob ko kay Gabby, pero 13 years na ‘yong dumaan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kinuwento rin ni Lolit na noong nakita niya ulit si Gabby sa Las Vegas ay pinakiramdaman muna niya ang sarili bago nagdesisyong lapitan ang former matinee idol.

"Ako ang lumapit sa kanya ‘Hoy Gab, bati na tayo. Pahingi ng $100', e nakita ko $300 ang laman ng pitaka dapat pala $200 ang hiningi ko," natatawang saad ni Lolit.

IDEAL WARD. Looking back, sinabi ni Manay Lolit na dream client si Gabby para sa isang manager.

"Eto talaga, kung manager ka pinaka-perfect na alaga si Gabby Concepcion," bulalas ni Lolit.

"Napakasipag niya, napaka-professional kahit anong iutos mo, sabihin mong gawin niya, ginagawa niya. Wala talaga siyang sakit ng ulo ibibigay sa ‘yo as manager. Talagang mami-miss mo siya lalo na pagka may mga alaga ka na medyo sabihin mong matigas ang ulo or pasaway, mami-miss mo talaga si Gabby."

Hindi rin kaila sa marami na higit pa sa pagiging manager ang naging papel ni Manay Lolit kay Gabby. In fact, siya na rin ang nagsilbing pangalawang ina nito.

"Kasi that time naman feeling ko talaga parang nanay ako ni Gabby," kumpirma ng controversial talent manager-host.

"Talagang ‘yong bang kumbaga may mga problema siya, hindi niya nga nasasabi sa daddy niya 'tsaka sa mommy niya dahil sa ‘kin niya sinasabi. Tapos ‘yon bang talagang parang pinagkakatiwala niya sa ‘yo lahat, pati pambayad ng kuryente, pambayad ng tubig. Talagang he made me feel na talagang para akong nanay niya. Kaya hindi ko rin masisisi ‘yong sarili ko na gawin ko naman ang lahat para kay Gabby. That time I'll take a bullet for him anytime."

BETTER OFF AS FRIENDS. Ngayon na nagbalik na si Gabby sa bansa para muling ituloy ang naiwang acting career, naisip pa ba ni Lolit na muling i-manage ang dating alaga?

"Hindi!" mabilis na sagot nito. "After the scam talagang inisip ko na talagang hindi na kami puwedeng magkasama na professionally, hindi na talaga pumasok sa isip ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Katuwiran ni Lolit: "Mabuti ng halimbawa maging magkaibigan kami pero wala na ‘yong professional na hindi ka na manager, hindi ka na PRO hindi ka na ano. Kasi para wala na ‘yong attachment na ‘yon. Basta magkaibigan na lang, magkausap."

Curious si Joey kung kanino naging magaan ang loob ni Lolit sa dami ng babaeng na-link kay Gabby in the past.

"Alam kasi ni Gabby paborito ko kasi sa mga na-link sa kanya si Kris Aquino. Talagang gumagawa pa ko ng paraan para magtago-tago sila, mag-ano ano," natatawang kuwento ni Lolit. "Pero palagay ko kung si Kris Aquino 'tsaka Gabby din ang nagkatuluyan, magkakahiwalay din sila."

Nang tanungin si Lolit kung bakit feeling niya ay hindi magtatagal ang dalawa kung sakaling nagkatuluyan ay simple lang ang explanation nito, "Parang si Gabby yata ginawa ng Diyos para puro panganay lang."

May mensahe si Lolit para sa dating alaga, "Hi Gabby! kung talagang gusto mo akong makausap, makakausap mo ako anytime, lahat siguro na malapit sa ‘yo ngayon alam ang telepono ko, 'tsaka nami-miss din kita kaya gusto rin kitang makausap," lambing nito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN