Mark Bautista will not fall for anyone old enough to be his mother

"Para sa akin, parang imposible siguro. Pero kung ang age gap lang namin ay mga 10 years, baka puwede," answers Mark Bautista when asked if it's possible for him to fall for a woman old enough to be his mother.


Sa isang episode noon ng drama anthology ng ABS-CBN na Maalaala Mo Kaya (MMK) ay gumanap ang singer-actor na si Mark Bautista bilang lover ng veteran actress na si Gloria Diaz.

Tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Mark kanina, April 6, pagkatapos ng live presentation ng ASAP '08, kung sa totoong buhay ba ay posibleng ma-in love siya sa parang nanay niya na.

Sabi ni Mark, "Para sa akin, parang imposible siguro. Pero kung ang age gap lang namin ay mga 10 years, baka puwede."

Wala pa bang matrona na lumapit sa kanya o nagpapansin na type siya nito?

"Nakakatawa, kasi nung mag-show kami sa U.S. last month, yung mga lumalapit sa akin, mga older women. Sabi ko sa sarili ko, ‘Napanood kaya nila yung MMK or yung Sana Maulit Muli na si Gloria Diaz yung ano ko?

"'Tapos sabi ko, may impact din pala yung ganoon. Advantage din sa akin dahil yung market, may older na babae ‘tapos may mga bata rin naman. So nakakatuwa din naman.

"May nagpadala pa nga ng sulat sa akin. Siguro mga 36 na yung girl. Sabi niya sa sulat, wala naman daw imposible, naglabas siya ng emotions sa akin. Ibinigay din niya yung number niya. ‘Tapos may picture din siyang pinadala," kuwento niya.

Kahit may email address si Mark ng babae ay hindi naman daw siya nag-email dito.

"Huwag na lang, kasi kung sasagutin ko pa siya, baka umasa!" tawa ni Mark.

Wala pa bang lumapit sa kanyang may edad nang babae para sabihing gusto siya nito?

"So far, wala pa. Yung sa letter pa lang ang na-experience ko, "sagot ni Mark.

Sa ngayon ay loveless pa rin si Mark Wala pa ba siyang nakikitang gustong ligawan?

"Wala muna," maikli niyang tugon.

Okay lang ba sa kanya na zero ang lovelife niya?

"Siyempre, hinahanap mo rin yun. Pero darating din siguro yung right time at yung right na tao."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nasubukan na rin ni Mark na gumawa ng pelikula, yung Lastikman under Viva Films, kung saan siya pa ang bida rito. Wala pa bang offer ulit na pelikula sa kanya ang Viva, na mother studio niya?

"May gagawin ako dapat dalawang movies sa Viva," aniya. "Yung isa ang nag-backout. Hindi ko alam kung nag-change ng ano...yung Gabby [Concepcion] na movie. E, nagbago lahat, wala na rin akong idea kung ano ang nangyari. I think si Rufa Mae [Quinto] may gagawing movie sa Viva. Baka makakasama ako doon. So hopefully this year, lalabas."

Okay lang ba sa kanya na gumawa ng pelikula kung saan gay ang role niya at may kissing or love scene siya sa kapwa niya aktor?

"Nag-play na ako ng gay role sa MMK with Janelle [Jamer]. Nung ginawa ko yun, sabi ko ito na ang last na gagawin ko, ayoko nang gumanap sa ulit gay role," saad niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN