Matt Evans explains Hong Kong trip with Melissa Ricks

Matt Evans clarifies why he was with screen partner Melissa Ricks (right) insteadof girlfriend Olyn Membian (left) during his Hong Kong trip."Kasama naman siya dapat doon. Kaya lang, hindisiya sumama kasi busy'ng-busy siya sa pagiging SK Chairman niya sakanila, e. Marami silang projects. Yun ang dahilan."



Kamakailan ay nagbakasyon ang young actor na si Matt Evans sa Hong Kong. Pero hindi ang girlfriend niyang si Olyn Membian ang kasama niya kundi ang ka-love team niyang si Melissa Ricks.

Binigyan ng kulay ng iba ang pagsasama nina Matt at Melissa sa Hong Kong. Siguro raw ay mag-on na ang dalawa at nakipaghiwalay na si Matt kay Olyn. Kung may relasyon pa raw kasi sina Matt at Olyn, how come na hindi raw sila ang magkasama sa nasabing biyahe?

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Matt kanina, April 7, after ng live presentation ng ASAP ‘08 ay ipinaliwanag niya kung bakit hindi si Olyn ang kasama niya sa Hong Kong.

"Kasama naman siya dapat doon," paglilinaw ni Matt. "Kaya lang, hindi siya sumama kasi busy'ng-busy siya sa pagiging SK Chairman niya sa kanila, e. Marami silang projects. Yun ang dahilan."

Kumusta na ba sila ni Olyn?

"Ayos lang. Mabuti naman kami. Kung anuman yung dati, ganun pa rin naman kami," sagot ni Matt.

Masasabi ba niyang hinding-hindi niya ipagpapalit si Olyn?

"Hindi naman ako lumiliko. Diresto lang akong lagi," saad ng binata.

Bakit may balitang lagi raw silang nag-aaway ni Olyn dahil kay Melissa?

"Walang isyung ganun, sobrang wala talaga," tanggi niya. "Hindi kami mag-aaway ni Olyn dahil alam naman niyang magkaibigan lang kami ni Mel. At magkaibigan din naman sila ni Mel."

Wala bang ibang babae na nagpaparamdam o nagpapapansin sa kanya?

"Wala naman. Saka kung magkakaroon man, hindi rin ako papayag," mariing sabi ni Matt.

How true na magiging daring na rin siya sa kanyang mga role? In fact, sa bagong episode ng Your Song na pinamagatang "Sayang na Sayang," na mapapanood sa April 13 ay nagpakita na siya ng katawan.

"Hindi ako magde-daring," tanggi niya. "Kaya lang naman ako may eksena doon na naka-topless ako, kasi siyempre nasa beach ako. Alangan namang mag-swimming ako ng naka-sando?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN