Angelu de Leon wants Joko Diaz to be part of their daughter’s life

"Nagkakaroon ako ng hope na everything would be better," says Angelu de Leon about former partner, Joko Diaz, by whom she has a daughter. Angelu admits that Joko is making a move to communicate with daughter Nicole.


Siyam na taon na rin ang nakalilipas nang magkahiwalay ang dating magkasintahan na sina Angelu de Leon at Joko Diaz. Ang kanilang dating pagmamahalan ay nagbunga ng isang batang babae, si Nicole, na naiwan sa kalinga ng aktres na si Angelu.

Inamin ni Angelu sa taped interview ng Showbiz Central kahapon, April 6, na hindi pa nakikita ni Joko ang kanilang anak simula nang sila ay maghiwalay. Gayundin, sinabi ng aktres na wala rin naman siyang sustentong nakukuha mula sa dating aktor para sa kanilang anak.

Paliwanag ni Angelu, "Kasi malayo din si Joko, e. He is based now in Batangas and I don't know when he comes to Manila. So, I gave him the time na kung ano yung gusto niyang gawin, gawin niya muna. Kung ready siya to be a part of our daughter's life, di yun, binigay ko na sa kanya yung oras niya. No pressure, nothing, hindi ko siya prinessure or whatsoever."

Gayunman, sinabi ng aktres na hindi naman niya inoobliga ang kanyang dating partner na magbigay ng sustento para sa kanilang siyam na taong gulang na anak. Aniya, "I'm sure alam mo naman yun na basta ang gusto ko lang kusa, kusang-loob. Kung ano yung kaya mo, tatanggapin namin."

Kung mayroon man daw siyang hihilingin mula kay Joko, sabi ni Angelu, "I want him to help sa tuition, sa education... anything about sa education lang ng daughter namin. Kasi yun lang ang mai-impart namin na kahit kailan hindi na matatanggal sa anak ko, e. So, at least, kapag lumaki man ang anak namin, kung anumang profession yung makukuha niya or gawin niya sa buhay niya, he has been part of it."

JOKO MAKES A MOVE. Samantala, sa hiwalay na panayam, inamin ni Joko na hindi pa nila malinaw na napag-uusapan ni Angelu ang tungkol sa sustento para kay Nicole. Ngunit ipinaliwanag ng dating aktor na hindi naman ito magiging problema kung sakali. Gayundin, gumagawa naman diumano siya ng paraan upang magkaroon ng komunikasyon sa kanyang anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi pa kami masyadong nakakapag-ayos sa part na yun. Pero right now, yung bata lang yung iniisip namin. Maaayos din yun," pahayag ni Joko sa Showbiz Central.

Kuwento pa ni Joko, "Si Nicole, nakakausap ko. Okay naman. Nagkukwentuhan naman kami. Kapag ano, sabi ng wife ko, tawagan ko siya kapag birthday, okay naman sa kanya [Angelu] so I do that.

Dahil sa paraang ito na ginawa ni Joko, naisip ni Angelu, "everything would be better" sa pagitan niya at ng kanyang dating partner.

Kaugnay nito, naging mas magaan na rin daw ang kanyang pakiramdam kung saka-sakaling magkasama ang kanyang anak at ama nito.

Ani Angelu, "Mas okay na akong iwanan siya with him kasi hindi na ako mate-tense na, alam mo yun, baka hindi masabi ng anak ko yung totoong gusto niya, baka mayroon siyang gusto na hindi maintindihan."

Dagdag ng aktres, "At least ngayon, alam ko na my daughter would tell him directly what she wants. Siguro, eventually, kaming tatlo naman, di ba? Or pinakamasaya na siguro yung lahat-lahat magkakaibigan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN