LJ Moreno leaves teaching to return to showbiz

"Kung magtuturo lang ako, matagal akong makakaipon, kailangan kong mag-save, kaya magsu-showbiz uli ako," explains LJ Moreno about why she decided quit teaching this May. But her plan to build up her showbiz savings still has to do with her wish to set up a kids' school.


Tumatak sa isipan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang pagsama ni Aga Muhlach kay LJ Moreno sa listahan niya ng beautiful actresses sa Philippine showbiz. Matagal na ang interbyung ‘yun sa actor at marami ang nagulat sa pagsama niya sa pangalan ni LJ.

Nang makausap si LJ sa Viva Entertainment office kamakailan, isa 'yon sa itinanong ng PEP sa kanya. Ano ang reaction niya sa sinabi ni Aga?

"Of course, I'm flattered. Flattering dahil si Aga Muhlach yun. Big star siya at hindi ko akalaing mapapansin ako. Nakasama ko siya minsan, nang mag-guest ako sa show niya na hindi ko matandaan ang title," sagot ni LJ na sinundan niya ng ngiti.

Nagbabalik-showbiz si LJ after two years mawala sa limelight. Pumirma siya ng one year contract sa Viva Artist Agency at mismong si Veronique del Rosario-Corpus ang tutulong para sumigla uli ang kanyang career.

Wala pang project si LJ, pero parang gustong balikan ang television. Nami-miss nito ang Kool Ka Lang ng GMA-7 na sobrang love daw niya; nakasama rin siya sa cast ng Agawin Mo Man ang Lahat sa Akin. Kung bibigyan ng pelikula, gusto niya ay character roles ang i-portray niya at ready na siyang maging 'bad girl'.

TEACHER LJ. Ang hindi alam ng marami, one year nang nagtuturo sa Little Gym sa The Fort si LJ. Pre-school ito and as young as six months to 12 years old ang mga batang tinuturuan nila. Sa OB Montessori siya nag-graduate and she passed the board exam for teachers last year.

"Pero hanggang May na lang ako sa school. Nagpaalam na akong babalik ako sa showbiz. Kailangan kong mag-ipon para sa plan ko to put up a school at gusto ko ring tapusin ang Master's ko. Undergraduate ako ng Early Child Education sa La Salle at sayang naman kundi ko tatapusin. Kung magtuturo lang ako, matagal akong makakaipon, kailangan kong mag-save, kaya magsu-showbiz uli ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bakit ginusto niyang maging teacher?

"May brother akong special child, may learning disability siya at ako ang nagtu-tutor sa kanya. Nagbabasa ako ng books about Child Care Development. That time pa lang, nakikita ko na ang sarili kong teaching, so nag-stop muna ako ng one year sa Mass Communication course.

"Pagbalik ko sa school, education na ang kinuha ko. Before Masscom, Business Management muna ang course ko. I guess, teaching talaga ang calling ko. Hopefully, three to four years from now, may pre-school na ako na may program talaga at special kids ang tuturuan ko," kuwento niya.

JIMMY ALAPAG. Bago pa man nagbalik-showbiz, naba-blind item si LJ na kaya hiniwalayan ng cager boyfriend niyang si Jimmy Alapag ng Talk ‘N Text, dahil Bilmoko Girl siya. Any reaction?

"It didn't bother me at all," sagot niya. "‘Pag alam kong hindi totoo, hindi ako apektado. Kung materialistic ako, bakit ang car ko, still the same? Dapat nagpabili ako ng bagong car kay Jimmy. Mas na-offend ang dad and lola ko sa nasulat. We have money naman, kahit hindi kami mayaman, kaya bakit kailangan kong maghingi ng pera sa boyfriend?

"This breakup with Jimmy, made me a better person. But as of now, hindi muna ako maghahanap ng boyfriend. In God's time, I know He'll give me a good person. Pahinga muna ang puso ko, ang sarili ko muna ang mamahalin ko."

Any message or wish for Jimmy?

"Wala! Hindi ko na siya naiisip. We were on for three years and ten months, malapit na sana kaming mag-four years. We broke up mag-e-end ng December last year at ang bilis kong naka-recover. I turned to God at nag-pray ako na if we're not meant to be, let the pain stop.

"I saw Jimmy lately. Wala akong na-feel, no pain, kaya sigurado akong naka-recover na ako. Yun din siguro ang rason kung bakit hindi ako nasaktan sa mga nasulat na Bilmoko Girl ako dahil wala na talaga," pagwawakas ni LJ.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN