Cristine Reyes is happy over GMA-7 official statement about her release

As for Cristine Reyes'stransfer to ABS-CBN, "Sa ngayon, under negotiation pa po, e. Pero sana. I'm happy kungkukunin ako ng Kapamilya."


Nagsalita na si CristineReyes tungkol sa inilabas na desisyon ng GMA-7. Matagal na kasing gustongmagpa-release ni Cristine sa Siyete para makalipat na nang tuluyan sa kalabannitong ABS-CBN. Nung Biyernes ay inilathala sa mga pahayagan ang ipinadalang officialstatement ng Kapuso Network.

Ayon sa officialstatement, nagdesisyon na ang GMA-7 na alisin na si Cristine mula sa kanilangpangangalaga dahil sa attitude and behavior nito.

"She is welcome to leave.The network has a lot more serious artists to assign important projects and developinto fine, professional actors. That being said, GMA network has now closed itsdoors on Cristine," sabi pa ng official statement.

Reaksyon naman si Cristine,nag-expire na raw ang kontrata niya sa GMA-7 noon pang January 31, 2008.

"Masaya ako and finally...hindi ni-release, kasi tapos na yung kontrata ko, e," paglilinaw muna niCristine. "Nung nalaman ko yung news, actually natuwa ako. Baligtad. Natuwa akokasi ang tagal ko na inaantay na payagan na nila ako na lumipat. Ang tagal-tagalna naming nagmi-meeting. Ayaw po talaga nilang pumayag," lahad ni Cristine sa The Buzz kahapon, April 6.

Bago pa man dawmag-expire ang kontrata niya ay tatlong beses na siyang nagpadala ng sulat sakabilang istasyon.

"Madaming beses akogumawa ng sulat. Actually, before pa mag-expire yung contract ko. Nagle-letterna po ako sa kanila. Parang ayoko na i-renew. Ayoko nang maging Kapuso," diin pani Cristine.

Unang nagpadala ng sulatsi Cristine sa GMA-7 noong January 2008. Wala na siyang balak na mag-renew ng kontratasa Kapuso network.

Nagpadala ulit siya forthe second time ng sulat sa GMA-7 noong February 6, 2008, bilang sagot sa lihamng GMA tungkol sa pagge-guest niya sa mga programa ng ABS-CBN. And on the thirdtime, nagbigay siya ng final letter sa GMA-7 at sinabi niya ang intensyon niyang lumipat sa ABS-CBN.

Sa kabila nito, hindinaman daw kinakalimutan ni Cristine kung ano ang ginawa para sa kanya ng GMA-7.

"Utang na loob ko sakanila na ginawa nila yung CristineReyes. ‘Di ba sa kanila ako may utang na loob? At hindi ko yun kinakalimutan.Gusto kong lumipat and naging starightforward naman ako sa mga planoko and hindi ako nagtago."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahil opisyal nangpinakawalan si Cristine ng GMA-7, nangangahulugan ba ito na certified Kapamilyana siya?

"Sa ngayon, undernegotiation pa po, e. Pero sana.I'm happy kung kukunin ako ng Kapamilya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN