"Dyesebel" begins taping in Coron, Palawan

Marian Rivera and Dingdong Dantes are now in Coron, Palawan, to shoot some scenes for their new fantaserye, Dyesebel.



Napag-alaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) nanoong Sunday, April 6, ginawa ang first taping ng Dyesebel sa Coron,Palawan. Mga bata muna ang kasama ni Marian Rivera at kahapon lang kinunan angmga eksena nila ni Dingdong Dantes. Magagandang eksena raw ang kinunan ni DirekJoyce Bernal, may kasama pang plug shoot at underwater scenes.

Isinabay na rin ang dagdag na pictorial sa cast na kinunan ng photographer na si Jay Tablante.

Introducing sa Dyesebel ang mga batang sina KirstenSigret at Arkin Magalona as the young Dyesebel and Fredo, respectively. Walangibinigay sa PEP na info tugkol sa mga bata, except that Arkin is the son of PiaArroyo and Francis Magalona, and he is the brother of Maxene Magalona.

Sa pangalan pa lang, obvious na may dugong banyaga siKirsten at interesado tiyak ang naghihintay sa Dyesebel kung paano siyanapili sa role.

Kasama rin sa batang cast sina Charlotte Hermoso, isasa twin endorsers ng Surf, at Filiberto Nepomuceno na gaganap na mga batangJelai at Butete, mga kaibigan ng batang si Dyesebel. Lumabas na si Charlotte saImpostora, kasama ang kakambal bilang mga batang Iza Calzado.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN