Yasmien Kurdi reveals how she cured her sleeping disorder

Young actress Yasmien Kurdi used to have a problem sleeping regularly. But it turned out that the solution to her sleeping disorder was just the right kind of pillow.



Naisulat namin noon dito sa PEP (Philippine EntertainmentPortal) na may kidney stones ang ina ni Yasmien Kurdi. Pero napag-alaman naminna pati pala si Yasmien ay nagkaroon rin ng problem sa kanyang kalusugan, atito ay may kinalaman naman sa kanyang pagtulog.

Halos gabi-gabi kasi dati ay hindi makatulog si Yasmien dueto a sleeping disorder. Umabot na nga siya sa punto na naiiyak na siya dahilkahit anong pilit niya ay hindi siya makatulog.

Isa sa mga remedyong sinubukan niya ay ang pag-inom ngtableta na nakakapag-induce ng pagtulog. Ang kaso, dahil sa sobrang effectiveng gamot, hindi kaagad nagising si Yasmien kaya na-late siya sa isang showbizcommitment niya the following day. Dahil dun, inihinto na niya agad angpagte-take ng naturang sleeping pill.

Susuko na nga sana si Yasmien, hanggang sa may nag-suggest sakanya na subukan ang isang brand ng unan na epektibo sa mga ganitong klase ngsleeping disorder.

"Pumunta ako sa Shangri-La, meron dun parang...sa Sleepcare.Inalam ko kung ano'ng problema sa akin or something. Yun pala, sa pillow, sabatok," kuwento ni Yasmien.

Nang sinubukan daw niya ang naturang unan, nagbalik sanormal na oras ang kanyang sleeping habit. Kaya ngayon, kahit saan pumunta siYasmien, dala niya ang naturang unan, sa mga tapings at shootings at kahit naanong commitment na magdamagan.

Ito rin ang same kind of pillow na iniregalo ni Yasmien kayJC de Vera, ang leading man niya sa Babangon Ako't Dudurugin Kita, noong birthday ang binata last March.

YASMIEN'S FATHER. Tuluy-tuloy at walang patid ang communication ni Yasmien with herLebanese father. Last month nga, pinadalhan pa si Yasmien ng isang mamahalingscarf ng kanyang ama na based sa Kuwait.

Supposedly ay magkikita at magba-bonding sa Dubai angmag-ama the last time na nagbakasyon doon si Yasmien, pero natiyempong nasaLebanon naman noon ang tatay niya.

"Balak niyang pumunta ng Dubai, pero hindi ko alam na nasaLebanon siya nun. Hindi niya ako makontak," sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

STARSTRUCK REUNION. Malamang na mapaiyak daw siYasmien kapag nagkaroon sila ng reunion ng Batch 1 ng StarStruck.

Miss na miss na raw niya ang mga ka-batch niya, kaya wishniya ay magkita-kita silang muli. Sobrang saya nga raw niya nang mag-guest saisang episode ng Tasya Fantasya si Katrina Halili.

Kuwento ni Yasmien, nakikibalita naman siya sa ilang mgadati niyang kasamahan sa naturang reality-based artista search na hindi naaktibo sa showbiz.

Si Anton dela Paz daw ay isa na ngayong motocross rider."Ang ganda ng motorsiklo niya," sabi ni Yasmien.

Bukod sa mga nabanggit, ang madalas lang na nakikita niYasmien ay sina Jennylyn Mercado, Sheena Halili, at Mark Herras.

Mangiyak-ngiyak nga raw si Yasmien the first time na nagkitaulit sila ni Rainier na leading man niya sa Tasya Fantasya. Na-miss niya kasinang husto si Rainier at ang kanilang tambalan.

Ayon sa dalaga, espesyal ang relationship nila niRainier—magkaibigan, magbarkada, mag-tropa. Kapag may mga oras na bad mood siYasmien at galit na galit, puwede niyang ibuhos kay Rainier ang galit niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN