Cast of "I.T.A.L.Y." gives update about their shoot in Italy

Jolina Magdangal and Dennis Trillo give the PEPsters an update on their movie shoot in Italy.


The cast and crew of the GMA Films movie I.T.A.L.Y. give the PEPsters an update on what has been happening in their Italy shoot.

Nagtitipa kami kahapon ng tanghali, April 7, nang makatanggap kami ng text mula sa isang unregistered number. Galing ito kay Jolina Magdangal and since we know her personal number, we presumed na lang that this is the number na ginagamit niyang may roaming.

Sabi sa text ni Jolina: "Hi, nasa gitna kami ng dagat ngayon galing ng Savona papuntang Naples. Nakapag-shoot na ako sa Venice. Napaluha ako sa ganda lalo na nang kunan akong mag-isa sa gondola na naka-wedding gown. Lagi akong pinapalakpakan at kinakantahan ng mga Italyano. Love to all."

Ito ang isa sa highlight ng pelikulang idinidirehe ni Mark Reyes from the script of Senedy Que, ang paggu-gondola ni Jolens in wedding gown.

Naisipan na rin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) i-text ang ilan sa mga artistang kasama sa pelikula, pati na ang producers na sina Joey Abacan at Noel Ferrer. Humingi kami ng update na sabi namin ay isusulat namin dito sa PEP.

Si Dennis Trillo ang unang nag-text.

"We've been at sea since yesterday. Seasick ako kahapon dahil ang lakas ng alon. Halos lahat kami actually. Ang daming Pinoy pala talaga na crew dito. Lahat sila super-bait sa amin. Napoli ang first stop namin, marami-rami na rin kaming nakunan and magaganda mga eksena."

Sumunod na nag-text si Noel with a curious question.

"Tuloy-tuloy ang shoot dito sa Italy. Nauna nang mag-shoot si Jolina sa Venice. Ano itong naririnig naming nagpakasal na raw yata sina Jolens at Bebong [Muñoz] sa Venice? Nagkatagpo na rin sina Dennis at Rufa Mae [Quinto] at sweet na sweet din sila kahit may kahalikan si Dennis na Italian actress named Andrea de Lugo, who plays his wife in the movie."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naibalita na naming susunod (at sumunod) nga si Bebong kay Jolens sa Italy, but he won't stay during the duration of the shooting dahil lilipad naman siyang Washington D.C. Sinubukan naming i-text sina Jolens at Bebong sa tanong ni Noel, pero no reply yet. Sinubukan din naming mag-follow-up question kina Dennis and Rufa Mae na dati ring na-involve sa isa't isa, pero no replies yet.

Bago kami mag-text kay Rufa Mae, may nauna na rin siyang text sa amin.

"Napoli na kami. Dito kami. Super-ganda at saya. Dream ko talagang makita ang Europe. Ikaw, musta ating movie [referring to Manay Po 2: Overload]?"

Sumunod namang nag-text si Joey.

"Naku, maganda! Very cooperative ang mga artista. Di sila alagain. Watch out for the scenes that we will be sending soon."

Last to text si Mark Herras.

"Nasa cruise na po kami, shooting pa rin. Ang daming Pinoy dito, yung name nung ship Costa Magica, steady lang yung lamig, kaya namin he he he. Walang DOTA [Defense of the Ancients, ang nilalarong computer game ni Mark sa Station 168 Internet Café along with the other matinee idols], pero lahat kami enjoy."

Hinihintay namin ang update na ibibigay naman sa amin ni Rhian Ramos and directors Mark Reyes and Elaine Lozano.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN