Stef Prescott defends Rainier Castillo about courtship issue

"Huwag naman sana silang magalit kay Rainier kasi tama namanang mga sinasabi niya. He is not courting me and we're only friends. Yun lang‘yon," says Stef Prescott about Rainier Castillo (inset).



Ipinagtanggol ng StarStruck 4 Avenger na si Stef Prescottang rumored suitor niyang si Rainier Castillo. Marami kasing fans ang nagpaparatingng mensahe kay Stef na galit daw sila kay Rainier dahil sa patuloy na pagde-denynito na nililigawan niya ang young actress.

Ayon kay Stef, totoo naman ang mga sinasabi ni Rainier.Hindi naman daw nanliligaw sa kanya ang StarStruck 1 First Prince at talagang magkaibigan langsila.

"Huwag naman sana silang magalit kay Rainier kasi tama namanang mga sinasabi niya. He is not courting me and we're only friends. Yun lang‘yon," panimula ni Stef sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine EntertainmentPortal).

Patuloy niya, "Before kasi noong nag-i-start pa lang ako sa StarStruck,isa sa Rainier sa mga unang nakilala ko. Naging constant ang communication namin,pero never naman niyang sinabi na manliligaw siya sa akin. Hindi ko lang alamkung baka natorpe siya or nahiya siya, pero he never asked me kung okay langsiyang manligaw. Kaya ang masasabi ko lang sa aming dalawa ay friends kami. Yunlang."

Pero marami na kasing nakakita na nagde-date daw sila niRainier.

"It's true na sometimes lumalabas kami, pero laging kasamaang mommy ko," paglilinaw ni Stef. "Nevernaman akong sumama kay Rainier na mag-isa lang ako. Alam naman ni Rainier na Ican't go anywhere without my mom beside me."

Ano naman ang totoo sa insidente na nakita siya diumanongkausap ang ex-girlfriend ni Rainier na si Sheena Halili? Umiiyak pa raw siyanoong kausap nito si Sheena.

"That is something between me and Sheena na lang," iwas niStef. "Hindi ko naman ide-deny ‘yan because may mga nakakita naman sa amintalaga. Pero kung ano yung itinakbo ng conversation namin, sa amin na lang ‘yonsana."

Hindi lang daw si Rainier ang naging close kay Stef kundipati na rin si Marco Alcaraz. Naging malapit daw ang isa't isa nang magkasamasila sa afternoon drama ng GMA-7 na My Only Love. Nagpaliwanag si Stef tungkoldito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mabait si Marco, pero I told him nga na maging friendsna lang kami. Ang concentration ko talaga ay sa trabaho. I'm still young at angpagkakaroon ng boyfriend ay wala sa priorities ko ngayon," pahayag ni Stef, nakasama sa soap opera na Babangon Ako't Dudurugin Kita.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN