Annabelle Rama turns into an actress in "My Monster Mom"

"Totoong-totoo ito sa buhay ko," describes Annabelle Rama about her role in her comeback film My Monster Mom.



"She's a natural actress," ang halos magkaparehongdescription nina GMA Films president Annette Gozon-Abrogar at si Roselle Monteverde-Teo ng RegalEntertainment sa first shooting day ni Annabelle Ramapara sa pelikulang My Monster Mom.

Naimbitahan ang PEP (Philippine Entertainment Portal) sashooting ng My Monster Mom kagabi, Abril 8, sa isang lugar sa Quezon City.Nagkaroon kami ng pagkakataon na makapanayam ang mag-inang Annabelle at RuffaGutierrez, pati na ang direktor nilang si Joey Javier Reyes.

Sinabi ni Direk Joey sa PEP na walang tensiyon o problema saunang araw ng pagsipot sa shooting ni Annabelle. Aliw na aliw nga raw siya sapagiging natural ng ina ni Ruffa.

"Karakter talaga si Tita. Isipin naman ninyong sarehearsal pa lang ay ibinibigay na niya ang lahat. Kaya ‘pag sinabi kong finaltake na, doon pa lang siya natataranta dahil ang akala pala niya, yun na yungrehearsal. Kuwela tuloy ang ending. But for sure, we will have great time forthis one. Masaya ang set," kuwento ni Direk Joey.

Para kay Ruffa, ikinukunsidera niyang first movie ito ngina.

"I know nothing about her previous movies. For sure,forgettable lahat yun. I'm simply proud of my mom kasi at her age. Look naman,she's so busy at nakakakuha pa siya ng mga ganitong projects. Basta ang sabi kosa kanya, since ako naman talaga ang mas artista sa amin, dapat lang sigurongako ang mauna sa billing!" ang natatawang sabi ni Ruffa.

Ikinuwento rin ni Ruffa na sa bahay pa lang nila ay panay na ang practice ng mommy niya ng mga dialogue niya sa pelikula para pagdating niya sa set ay kabisado na niya ang kanyang mga linya.

Nasaksihan ng PEP ang klase ng pag-iistima ni Annabelle samga katrabaho. Nagpadala pa siya ng lechon Cebu at ibinahagi niya itosa mga kasama sa set.

"Ganyan talaga si Mommy," sabi ni Ruffa. "Kaya nga Icould never imagine kung paano siya magtatagal sa set. You know, yung hintayan,yung matagal na set-up, etcetera."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naitanong tuloy ng PEP kay Annabelle kung paano niya aasikasuhinang ibang mga alaga niya at ang mga commitments nila ngayong nagsu-shooting na rinsiya.

"Baka ho dito na ninyo sa set kausapin o gawin ang mgadeals ninyo?" biro namin sa kanya.

"Why not? Hindi imposible ‘yan," sabi naman niAnnabelle.

Bukod sa kanilang mag-ina, kasama rin sa My Monster Mom angalaga ni Annabelle na si JC de Vera na gaganap bilang anak din niya, patina si Mart Escudero. Si Rhian Ramos ang gaganap na batang Annabelle,habang may special participation si Richard Gutierrez bilang batang EddieGutierrez.

Hindi man ito true-to-life movie, pero sa sobrang lapit dawng mga pangyayari at mga situwasyon, "totoong-totoo ito sa buhay ko,"hirit ni Annabelle.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN