Marky Cielo appreciates his mother's encouragement and closeness

Young actor Marky Cielo can be considered as a "Mama's boy" since he does not deny the fact that he is close to his mother, Mrs. Mildred Cielo. "From the start pa lang, nandun nayung suporta niya sa akin na talagang pinapalakas niya ang loob ko," says Marky about his Mama.



Sa nakaraang pagdalaw ng PEP (Philippine EntertainmentPortal) sa taping ng Kaputol ng Isang Awit ng GMA-7 ay nakausap namin ang isasa mga bida rito na si Marky Cielo. Ang tungkol sa ina niyang si Mrs. MildredCielo ang napagkuwentuhan namin ni Marky. Napag-alaman namin na todo-suporta at sakripisyo pala ng ina ni Marky sa kanyamagmula nang mag-audition ang binata sa StarStruck.



Ayon kay Marky, "From here, dito sa Manila,dito siya nagwo-work, umuwi siya ng Baguio.Sinamahan niya ako sa audition sa Dagupan. From the start pa lang, nandun nayung suporta niya sa akin na talagang pinapalakas niya ang loob ko.

"Kasi nung nakita pa lang namin yung audition area, mgasampu ang kumakanta. ‘Tapos feeling ko, parang sa ano ‘to...sa kantahan, kasikumakanta sila at that time. So parang aatras na ako, kasi wala akong laban dito," lahad ng young actor.

Pagsasayaw nga kasi ang talent na baon ni Marky during that time sa audition kayaaatras na sana siya, kundi lang dahil sa encouragement ng kanyang ina.

"Sabi niya, ‘Hindi, andito na tayo. Kaya mo ‘yan.'In-encourage ako ni Mama, so todo suporta talaga po siya," sabi ni Marky.

Kung hindi pala dahil sa kanyang ina ay hindi siya magiging Ultimate Sole Survivorng Batch 3 ng StarStruck.

"Oo nga po, e," pagsang-ayon ni Marky. "Tsaka sinamahan niya po talaga ako. Isa samga dahilan po kaya itinuloy ko na talaga."

Pagkatapos ng StarStruck ay naging sunud-sunod ang proyekto ni Marky sa GMA-7. Kabilang na rito ang Fantastikids, SOP, Encantadia, Bakekang, Asian Treasures, Boys Nxt Door, Zaido, at Kaputol ng Isang Awit.



Ngayong kumikita na siya, ano na angmga bagay na naibigay niya sa mama niya?



"Hindi ko na alam, e," sagot niya. "Kasi usually, lahat naman ng suweldo ko,diretso sa kanya. So parang, kumbaga, kung magsu-surprise ako, mahirap. Kasidiretso na yung... Alangan namang hihingi ako sa kanya?" tawa ni Marky.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yung si Bonsai, yung kapatid ko, ako nakakapag-sorpresakasi humihingi ako sa kanya [his mother]. Sa kanya ko sasabihin na ‘Huwag maingay,ganun-ganun.' Pero kung sa kanya ako hihingi..." bitin niyang pahayag.

Dagdag ni Marky, wala nang element of surprise dahil hihingin din niya sa mamaniya ang ipambibili niya ng regalo dito. Usually raw, mamahaling pabango anginireregalo niya sa kanyang ina.

May time na bang nag-date sila ng mama niya na silang dalawa lang?



"Actually, tatlo kami, kami ng kapatid ko. Pero yung kaming dalawa, siguro anolang yun, groceries. Ganun lang po, dati pa po yun," saad ni Marky.

Napag-alaman din namin na sa sobrang closeness ni Marky atng kanyang ina, may mga pagkakataon na magkatabi silang natutulog.

"Mga tipong ano lang... Minsan kasi, parang matutulog lang, ‘tapos biglangtatabi siya, ‘tapos mag-uusap kami. May mga times lang na tatabi siya, siya oryung kapatid ko sa akin. Minsan, pagkakasyahin namin yung kama, kaming tatlo,"kuwento niya.



Gugustuhin ba niya na someday 'pag nagka-girlfriend siya ay tulad ng mama niya?

"Ay, opo! Sobrang ideal po yun kung sakali man," sagot ni Marky.

Payag na ba ang mama niya kung sakaling magkaroon na siya ng girlfriend?

"Hindi pa po namin napag-uusapan, pero siguro naman, okay lang po," sagot niMarky, who will turn 19 on May 12.

Nali-link ngayon si Marky sa leading lady niya sa Kaputol ng Isang Awit na si Glaiza de Castro. Inamin ng young actor na naipakilala na niya ang dalaga sa kanyang ina.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN