Jennylyn Mercado visited Boracay after Holy Week

Jennylyn Mercado doesn't want her Boracay bikinipictures published. She went to her doctor the next day after arriving from theAklan vacation spot.



Hinintay muna ni Jennylyn Mercado na lumipas ang Holy Weekbago pumunta sa Boracay upang magpahinga at mag-enjoy. Kapag Holy Week kasi aysangkatutak ang bakasyunista sa isa sa pinakapaboritong bakasyunan sa buongbansa.

Isang linggo raw nanatili si Jennylyn kasama ang kanyangmga kamag-anak sa Bora, ayon sa source ng PEP (Philippine EntertainmentPortal). Pataray ng PEP source, baka raw iniwasan lang din ni Jen na makitaroon ang ex-bf niyang si Mark Herras who was there noong Holy Week nga.

Nitong Lunes, April 7 ay dumating na from Boracay siJennylyn at agad na pina-develop ang mga kuha niya roon. Nag-enjoy raw nanghusto si Jen sa white sand beaches ng Boracay at tuwang-tuwa sa mga magagandangkuha niya na naka-two piece siya kahit na five months na ang kanyang tiyan.

Ayaw nga lang daw ipalathala ni Jen ang kanyang mga kuhafrom Bora.

GIRL OR BOY? Kahapon, April 8, Martes,nagpa-ultrasound na raw si Jennylyn sa kanyang doctor para malaman ang kasarianng baby nila ni Patrick Garcia. Pero bigo raw silang makita kung babae o lalakiang nasa sinapupunan ni Jen.

Kuwento ng PEP source, hindi raw makita ng doktor angkasarian ng baby dahil nakatagilid ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN