Annabelle Rama enjoys first shooting day of "My Monster Mom"

"Kinabahan ako sa simula. Hindi ko kasi alam na ‘yong una naming ginawa, rehearsal lang pala ‘yon, e, ibinigay ko na ang lahat ng kaya ko. ‘Tapos sabi ni Direk [Joey], okay na raw, take na kami. Nang sumigaw siya ng ‘action!' ‘yon, nakalimutan ko na ang gagawin ko at ang dialogue ko," narrates Annabelle Rama about her first shooting day.



New look si Annabelle Rama nang bisitahin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang first shooting day nila ni Ruffa Gutierrez para sa pelikulang My Monster Mom—co-production venture ng GMA Films at Regal Entertainment under the direction Joey Reyes last April 8. May extension ang buhok ng ina ni Ruffa kaya bigla itong humaba.

Sa set ay inabutan ng PEP ang dalawang producers ng movie na sina Atty. Annette Gozon-Abrogar ng GMA Films at Roselle Monteverde-Teo ng Regal, na naroon para i-welcome ang bago nilang artista. Pareho ang sinabi nina Annette at Roselle, natural na natural ang acting ni Annabelle.

"For a change, nagpa-hair extension na ako last Friday dahil alam kong today ang first shooting day namin," nakangiting salubong ni Annabelle sa PEP. "Middle class lang kasi ang character ko rito na hindi terno-terno ang suot kong dress and shoes, pero lagi akong may suot na alahas. Kaya inihanda kong lahat iyon.

"Bumili rin ako ng pantali sa buhok ko kung gusto kong itaas ang buhok ko. Kaya lang, naiwanan ko doon sa store na binilhan ko. 'Tulad nung script ko, dahil dala-dala ko hanggang sa pagsisimba ko sa Sto. Niño sa Cebu, ‘yon, di ko alam kung saan ko naiwanan," natatawang kuwento ni Annabelle.

Na-excite ba siya nang i-offer sa kanya ang movie?

"Si Mother Lily [Monteverde] ang nagkumbinsi sa akin. Pero kung hindi maganda ang project, hindi ko tatanggapin. Si Eduardo [husband Eddie Gutierrez] rin ang nagsabi sa akin na tanggapin ko na ang project. Marami na raw akong sinayang na offer dahil tinanggihan ko," lahad niya.

Nakatulog ba siya the night before the first shooting day?

"Napuyat din, pero hindi masyado dahil one p.m. naman ang call time namin ni Ruffa. Saka naihanda ko na nga ang mga gagamitin ko sa shooting. Nagkabatuhan na rin kami ng mga linya ni Eddie na nasa script. Siya kasi ang acting coach ko at, siyempre, mas may tiwala ako sa asawa ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tinanong namin si Annabelle tungkol sa first movie niyang ginawa noong teenager pa siya.

"Naku, forgettable na ang movie na ‘yon! Adam and Eve ang title, at pipi ang role ko roon!" natatawang wika ni Annabelle. "Tinanggap ko lang ‘yon para makita at makasama ko si Eduardo. Kasi noon pa, love ko na siya talaga. Kaya itong My Monster Mom na talaga ang first movie ko."

Ano ang feeling niya sa unang eksena niya?

"Kinabahan ako sa simula," pag-amin niya. "Hindi ko kasi alam na ‘yong una naming ginawa, rehearsal lang pala ‘yon, e, ibinigay ko na ang lahat ng kaya ko. ‘Tapos sabi ni Direk [Joey], okay na raw, take na kami. Nang sumigaw siya ng ‘action!' ‘yon, nakalimutan ko na ang gagawin ko at ang dialogue ko. Pero na-take two lang naman ako, di tulad noong nag-shoot ako ng commercial ko ng Advil, na-take 20 yata ako!

"Mabait naman si Direk Joey. Akala ko, sabi nila, istrikto raw siya, pero hindi naman pala. Pero sabi ko kay Direk, kung mali ang ginawa ko, ulitin namin."

Ayon naman kay Direk Joey, hinayaan niya si Annabelle kung saan ito comfortable. Hindi kailangang memoryado nito ang script, puwede naman siyang mag-ad lib kung gusto niya. Hindi raw niya pini-pressure si Annabelle. Gusto niyang i-enjoy ito ng celebrity mom and have fun sa pagsu-shooting ng movie.

Inamin ni Annabelle na hindi siya sanay na walang ginagawa at naghihintay lang sa set.

"Nasanay kasi akong laging on the go, laging may ka-meeting, mula umaga hanggang gabi. Siguro kapag nasanay na akong mag-shooting, kapag may ka-meeting ako, baka sa set ko na sila papuntahin. Pero huwag muna ngayon, first day namin!" natatawang wika ni Annabelle.

Natanong namin si Annabelle kung paano ang magiging billing nila ni Ruffa.

"Hindi problema sa akin ang billing. Kahit saan nila ilagay ang name ko, okay lang sa akin," saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa story, si Ruffa ay anak ni Annabelle kay Eddie Gutierrez na noong maliit pa lang ay pinaalagaan niya sa kanyang kapatid, na dinala naman ang bata sa States. After 27 years, babalik si Ruffa sa Pilipinas at hahanapin sila.

Ang anak nina Annabelle at Eddie na si Richard Gutierrez ang gaganap na young Eddie at si Rhian Ramos naman ang young Annabelle. May dalawa pang anak si Annabelle sa pelikula, sina JC de Vera at Mart Escudero, na anak niya sa magkaibang lalaki.

Love interest ni JC ang dating girlfriend na si Michelle Madrigal at girlfriend naman ni Mart si Iwa Moto. Kasama rin nila sa movie sina Charize Solomon at Bubbles Paraiso.

Habang kausap ng PEP si Annabelle, tumawag sa kanya ang anak na si Raymond. Biniro ni Raymond ang ina kung magge-guest din ba siya sa movie, katulad ng kakambal na si Richard. Hindi raw, hanggang sa hosting lang siya at pabayaan na lang si Richard sa acting.

Sa first shooting day, hindi nalimutan ni Annabelle na magpadala ng lechon Cebu sa set. Direct from Cebu, dumating ang anim na lechon on time sa dinner break ng staff and crew. Sila rin ang unang pinabigyan ni Annabelle bilang pasasalamat sa kanila.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN