Aga Muhlach says Anne Curtis needs no acting lessons from him

"Hindi mo na kailangangtulungan! Ang galing niyan! Paano mo tutulungan? She's good! Actually, who am Ito judge? I'm just artista too," says Aga Muhlach about his leading lady in When Love Begins, Anne Curtis.



Kung ang young actress na si Anne Curtis ay very vocal eversince bata pa lamang siya na ang dream leading man niya ay si Aga Muhlach, itseems after nilang gawin ang first movie nila together, ang When Love Begins ngStar Cinema na maipalalabas na ngayong April 30, hindi na lamang si Anne anghumahanga kay Aga. Maging ang aktor ay humanga na rin kay Anne dahil samagagandang salitang binitiwan ni Aga about his leading lady and their movie sa presscon ng When Love Begins kagabi, April 10, sa 13th floor ng ELJ Bldg. sa ABS-CBN compound.

"After seeing the trailer, I am more inspired now," sambit ni Aga. "Parang Iam more saddened that the filming will end soon. After the movie has shown,that's it! That's why I'd like to take this opportunity to really thank Anne,really, for the opportunity working with her. I had fun, really."

Nababalita palagi ang mga kissing scenes na ginawa nina Agaat Anne sa pelikula. Though, pareho nilang kinumpirma sa presscon na ang lovescene nila ay isu-shoot pa lang since may ilang shooting days pa sila bago angshowing ng movie.

Ayon kay Aga, they were both comfortable doing those kissingscenes. "It's just like that, action! Okay, action!" natatawang sabi ni Aga."Kapag naman cut, cut! When you hear the director shout ‘Cut!' okay... But youknow, we are not selling the kissing scenes, the love scenes, ganyan... But it'sjust nice to see kung paano ang gagawin namin.

"Sabi ko nga, every year, dapat ibang movie ang ipapakitamo. And it's like our first movie and we would like to show somethingdifferent. And I just hope that my friend here [referring to Anne] had fun,enjoyed the whole process."

Tinanong din ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Agakung paano niya tinulungan si Anne sa mga eksena nila.

"Tinulungan?" maagap niyang tugon. "Hindi mo na kailangangtulungan! Ang galing niyan! Paano mo tutulungan? She's good! Actually, who am Ito judge? I'm just artista too. Ako naman, ang most important sa akin is for myleading lady to always have fun on the set. Be comfortable... I guess that's theselling point, pagiging happy sa set, steady lang, and everything follows."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

After the question and answer portion, sinabi ni Aga na siAnne ay hindi dapat niloloko ng kahit sinong lalaking makakarelasyon niyadahil may magaganda raw plano ang young actress sa buhay nito at maging sa mgataong malalapit dito.

Tuloy, naitanong ng PEP kay Aga kung sa pagsasama ba nila sashooting ay may mga naikukuwento si Anne sa kanya about her lovelife or Anne'spast relationship.

"Hindi naman, hindi naman," sabi ni Aga. "Ayokong malagyanng anggulo ‘yan, no? Basta para sa akin, kahit sino namang babae, hindi namandapat na niloloko. Kaya lang, siyempre hindi mo maiiwasan sa isang relationshipthat you do not know what will happen at the end. It's really like that. Sometimesit works, sometimes it doesn't."

DREAM LEADING MAN. Nagpakita naman ng pagkailang si Aga nang tanungin namin howdoes he feel na sa mga female stars, mapa-baguhan or dati pa, siya angbukambibig na dream leading man nila, like Anne said about him?

"Kapag naririnig ko ‘yan, really...it's embarrassing," sagotng matinee idol. "But at the same time, nakakataba ng puso ‘yan. Iniisip ko,bakit ba? Ano ba yung meron ako? Well, I think, it's my body!" biro niya.

When somebody asked Anne regarding Sam Milby, theyoung actress refused to talk about her rumored boyfriend dahil hindi naman dawkasi kasama si Sam sa movie nila. Samegoes with Aga na tila maingat din na magbangggit ng anuman about his wife,Charlene Gonzalez. Tuloy, naitanong kay Aga kung nagre-react ba si Charlene tuwingnababanggit niya ang asawa sa kanyang interviews.

"No, no, my wife is very supportive," paglilinaw ni Aga. "It's justthat ayoko lang bigyan ng kulay. Ayoko lang bigyan ng anggulo na mapasama pasiya because, unang-una, she's not included in this movie. It's unfair reallyto talk about her in this movie and it's unfair to talk about Sam in thismovie."

FATHER ROLES. Obvious din na sa hanay ng mga aktor ngayon, partikularna sa mga naging kasabayan ni Aga, tila bukod-tanging siya lang ang hindi patumatanggap ng father roles. Kahit mas bata pa sa kanya ng di hamak aygumaganap na bilang father sa mga young stars ngayon. Ano ang masasabi ni Agarito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"You know, I think it's a different medium. Parang sa TVkasi, anything goes. I don't know... I think sa TV kasi, it's work. It doesn'tmatter what roles they play. Sa movies kasi, you have all the titles to choose...Oh, well, I don't know...mahirap magsalita," napapailing niyang sabi.

Isa rin si Aga sa iilang major stars na hindipa naka-convince na gumawa ng soap opera, bagama't madalas siyang gumawa ngsitcom gaya ng That's My Doc.

"Well, I'm just happy doing my sitcom and I will fight forthat. I will fight for our show. And Iam happy to announce also that we are changing timeslot. Kasi Sunday kami ng ninesomething ng gabi. I think, we are moving it to Saturday at six o' clockstarting this April 26, before the showing of our movie," pahayag ni Aga.

Paano napapanatili ni Aga ang wholesome image niya, hindigaya ng iba na palaging may kakabit na intriga or kontrobersiya?

"There's no wholesome image, it's just me. It's not animage. It's how I am. I'm just real. Like when I said, when I'm filming, if Iwant to laugh, I'll laugh. I know my limitations. It's just there. It's fun.It's nice," paliwanag ni Aga.

Trailer courtesy of Star Cinema


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN