Rachelle Ann Go denies she and Christian Bautista are together again

Rachelle Ann Go says there was no time for her and ex-boyfriend Christian Bautista to go out on a date because of their busy schedule. She, however, squeezed in a shoe sale shopping spree and came home with 18 pairs of shoes.


Kinumpirma ni Rachelle Ann Go na walang balikang naganap sakanila ng ex-boyfriend niyang si Christian Bautista sa more than a month na nagkasama sila sa series of showsna ginawa nila abroad.

"Okey naman kami," bungad ni Rachelle tungkol sa kanila niChristian.

May nabuo ba ulit sa kanilang pagbalik?

"Hmmm...wala. Normal po," ngiti ni Rachelle sa launch ngkanyang bagong album under Viva Recordstitled Rachelle Ann Rocks Live! sa Red Box ng TriNoma mall noong Huwebes, April 10.

Normal pa rin as in tulad ng ibang magkarelasyon?

"I mean, normal as friends, katrabaho, ganun," sagot agad niRachelle.

Hindi ba sila nag-usap ni Christian sa U.S. for a possiblereconciliation?

"Ay, hindi! Hindi. Friends lang talaga. Hindi natin kasi alam kung ano ang mangyayari."

Ayaw ba niya na maging sila ulit?

"Hindi ko alam. Pero siya parang hindi ko alam kungnagpaparamdam, e. Ayokong mag-assume. Wala naman kaming napag-usapan tungkoldoon. Kaya mahirap magsalita, e."

Ni hindi man lang siya nai-date ni Christian sa mahabangpagkakataon na magkasama silang dalawa sa U.S.?

"Ay, naku ang schedule po talaga namin pukpok talaga. ‘Tapos‘pag walang show, meet and greet, presscon, ganun ang schedule namin."

Ano naman ang reaction ng crowd sa kanila ni Christian?

"Actually, yun pa rin talaga ang tanong, ano'ng nangyari saamin? Kung kami ulit, ganun."

U.S. SHOE SALE. Suut-suot ni Rachelle Ann ang binili niyang Bebe shoes sa U.S. sakanyang album launch. Isa lang ito sa 18 pairs na binili niya roon.

"Kasi naman sale," nahihiyang kuwento ni Rachelle.

"Hindi naman ako bibili kung hindi siya sale. Marami akongbinilhan sa mga outlet stores doon. Meron sa Bebe, sa Gucci. Sa Gucci nakabiliako ng shoes na half-price. Nakakuha ako ng US$500 worth pero nabili ko lang ngUS$250. May mga US$1700 nga, may US$700din na sale. Pero ayoko na. Sayang ang pera. Nakakapanghinayang kasi marami naakong puwedeng bilhin doon [sa pera]."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ROCKIN' RACHELLE ANN. Hindi kaya magulat ang mga fansniya sa bagong sound sa kanyang latest album?

"Actually, hindi ko alam. Pero halos pareho naman yung kantalang dahil nakilala as rock song. Pero sa tingin ko yung pagkakanta ko namanparang hindi naman masyadong malayo sa dati kong ginagawa."

Bakit niya napiling kantahin ang mga rock songs?

"Ideya potalaga ng Viva. Si Boss Vincent [delRosario] gusto talaga yung rock. So, ‘ayun nag-meeting lang sila kung okey basa akin, kung babagay ba sa akin. Tinanong din naman nila ako. Sabi ko okeylang."

Part ba ito ng repackaging sa kanya?

"Hindi naman. Para may variety lang. Hindi naman totallyparang bago. Siguro parang ano lang, something new. Para hindi pare-pareho nalang yung ginagawa kong album. And hindi naman totally... hindi na gagawin yungmga birit-birit ako sa pagkanta. Nand'un pa rin yun [pagbirit]. At ginagawa kopa rin yun tuwing Linggo sa ASAP."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN