Anne Curtis has no qualms wearing two-piece swimsuit in front of Aga Muhlach

"Hindi naman ako nailang, lalo doon sa scenes nakailangang magkasama kami ni Aga while I was just wearing two-piece bathingsuit. Pinaghandaan ko rin kasi ang pelikula, through dieting and exerise, alamkong kailangang maging sexy rin ako para sa movie," says Anne Curtis about wearing two-pice bathing suit in front of Aga Muhlach (inset).



Thissummer, tiyak na matutupad ang ilang matagal nang pinapangarap ni Anne Curtis—kasamana ang pakikipagpareha kay Aga Muhlach—mula noong 12 years old pa lang siya atipinakilala sa isa sa mga una niyang pelikula, ang Magic Kingdom.

Si Aga ang leading man ni Anne sa pelikulang When LoveBegins ng Star Cinema.

"Tandang-tanda ko pa na nasabi ko yun, as in I wasstill a child then," natatawang sabi ni Anne. "Hindi nga ako makapaniwala, then may kissingscenes pa kami. Hindi naman sa nailang ako, pero I was so tensed the first timewe got together sa mga eksena namin.

"I'm so happy, kasi lagi niyang ipinapaalala sa akin namag-relax lang ako, magiging maganda ang mga eksena namin. Never kongnaramdamang nag-take advantage siya, and when in front of the cameras, I'malways aware na trabaho lang talaga ang lahat," banggit pa ng magandangdalaga tungkol sa pakikipagtrabaho niya kay Aga.

TEN DAYS IN BORACAY. Magiging kapana-panabik sa fans ng dalawa ang first team-upmovie nila dahil maraming eksena rito ang kinunan pa sa Boracay, na ang beachesay itinuturing na paraiso ng marami.

"Hindi naman ako nailang, lalo doon sa scenes nakailangang magkasama kami ni Aga while I was just wearing two-piece bathingsuit. Pinaghandaan ko rin kasi ang pelikula, through dieting and exerise, alamkong kailangang maging sexy rin ako para sa movie," sabi ni Anne.

Naging smooth daw ang shooting nila sa Bora dahil katataposlang ng Holy Week noon.

"Malaki ang nabawas sa mga taong nagpupunta doon, kasitapos na ang bakasyon," dugtong ni Anne. "Kahit marami pang mga tao,I'm always confident wearing sexy outfits. Mas pangit kasing lalabas kung asiwaako sa pagbe-bathing suit, e, medyo may pagka-liberated ang role ko sa movie.At nagbaon talaga ako ng maraming swimsuits, para may mga pagpipiliantalaga!" natatawa niyang sabi.

NOT ABOUT SAM. Kahit sa panahong lumilitaw na si Sam Milby ang pinaka-closekay Anne, sa ngayon itinatanggi ni Anne na mayroon silang malalim ng relasyon ngbinata. Bagay na may kapilyuhan ang ngiti ni Aga kapag nababanggit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Of course, may mga personal na bagay akong nasasabikay Aga, lalo noong time na nagsu-shoot kami. Remember, ten days din kamingmagkasama sa Bora, at talagang naging super-close kami doon. But swear, sinasabiko rin talaga kay Aga na hindi ko boyfriend si Sam. Not for anything else, kasihindi naman talaga.

"Besides, kaya lang ako umiiwas na magsalita about Sam,just to be fair with him. Hindi naman kasama si Sam sa pelikula namin ni Aga,the same way na ganoon ang stand ni Aga kapag nababanggit ang wife niya [CharleneGonzalez], kasi hindi sila kasali sa pelikula at wala silang connection, for usto talk about them. Sana, maintindihan din yun ng press," paliwanag niAnne.

At 23, sa puntong ito, ang gusto lang ni Anne aymag-concentrate sa career niya. Kaya nga raw maganda ang balik nito sa kanya.

"Hindi ko pa talaga naiisip na I would settle down,it's still too early," pagtatapat ng young actress. "Para kasingngayon pa lang nag-uumpisa ang career ko. At marami pa akong gustong gawin,aside from being an artista. I want to put up a kindergarten school. I reallylove kids.

"Talagang may puso ako sa mga bata, lalo na sa orphans.I guess yun ang calling ko, na aside from being an artista, kailangang maygawin akong very significant. Yun na nga ang plan ko, to put up an institutionfor pre-schoolers," banggit ni Anne.

CHANGING CHANNELS. Bago pa ang malaking pelikula sa Star Cinema, nakaabot sa PEP(Philippine Entertainment Portal) ang balitang nagkaroon ng negotiation ang tumatayongmanager niyang si Veronique del Rosario for Viva sa GMA-7. Muntik na nganglumipat si Anne sa Kapuso network, ayon sa balita, at siya sana angipupuwestong bida sa Dyesebel.

"Hindi ko talaga alam ang tungkol sa negotiations, kungmayroon man," tila nagtatakang banggit ni Anne. "All the while, ang alam ko, masayaako sa ABS-CBN. Hindi naman nila ako pinababayaan, and until now, angimportante, nasa kanila pa rin ang loyalty ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But I can't deny the fact na isa sa dream roles ko yungDyesebel, o maging mermaid. Hindi na muna mangyayari yun sa TV dahil nasakabila [GMA-7] na yung rights. Pero, who knows? Baka sa pelikula, ako ang magingbida. Okey rin lang mangarap, di ba? It all starts from there," pahayag niAnne.

Trailer courtesy of Star Cinema


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN