Rafael Rosell says delays caused by Aga Muhlach in doing "When Love Begins" understandable

"Siya [Aga Muhlach] yung bida sa movie, kaya, okey langna maghintay muna kami sa kanya. Mabuti sana kung in the middle of our shoot saBora, roon tumigil ang production," says Rafael Rosell, defending Aga Muhlach(inset) regarding rumors the When Love Begins lead star was the cause of delayof the film.


Inusisa agad ng PEP (Philippine Entertainment Portal) siRafael Rosell tungkol sa kumalat na tsikang tila na-insecure si Aga Muhlach sakanila ni Jon Avila sa When Love Begins dahil sa punto ng pagpapakita ngkatawan, dehado raw ang premyadong aktor sa dalawa.

Ito raw ang naging dahilan ng grabeng delays sa pelikula ngStar Cinema. Kasi nga, kailangang humataw si Aga sa muling pagda-diet atexercise. Lumobo kasi ang actor pagkatapos na hindi agad nasundan ang A LoveStory.

"Si Aga Muhlach, mai-insecure sa amin?"napapailing pagkatapos na sabi ni Rafael. "Malabong mangyari 'yan. Sino bakami kung ikukumpara sa isang Aga Muhlach? Let's be realistic about it.

"In this movie, masasabing nag-prepare talaga si Aga tobe physically fit. Magandang backdrop ang Boracay, at kahit nga kapagmagbabakasyon ka lang, kailangan mong paghandaan ang pagpunta sa Bora bydieting and exercise, 'di ba?" sabi pang handsome hunk.

EASY TO WORK WITH. Very positive ang working experience ni Raf with Aga andAnne Curtis for the said movie. Aside from the fact that their director, JoseJavier Reyes, is so easy to deal with.

"Masarap katrabaho ang mga professional, marami kangmatututunan sa kanila," sabi pa niRafael. "'Yung sinasabi nilang delays, I don't think it should be blamed kayAga. Kasi, para rin naman sa ikagaganda ng movie yung gusto niyang mangyari.

"Siya yung bida sa movie, kaya, okey lang na maghintaymuna kami sa kanya. Mabuti sana kung in the middle of our shoot sa Bora, roontumigil ang production.

"Ayaw pang mag-shoot ni Aga ng beach scenes dahil gusto niyang konting panahon to prepare, and it's very understandable. And I don't thinkmayroong dapat sisihin kapag nangyayari yung medyo nahihinto ang shooting,"aniya pa.

Raf plays the best friend of Aga in the film. Sabi ngani Direk Joey, perfect si Raf for the role, lalo na't dependable na rin ito asan actor. Nasuportahan daw ni Raf nang tama ang leading man ng When LoveBegins.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"It may appear simple, pero kung Aga Muhlach angkaeksena mo, you should be on your toes, always," pagdidiin ni Raf.

"At saka nakatulong yung pagiging Bench Body model ko, thatI really have to be strict with my workouts and diet. Kaya lagi akong handa saganyan, na kailangan sa trabaho yung pagpapakita ng katawan.

"I'm so comfortable with that. Wala akong problemariyan. Hangga't may trabahong kailangang magpakita ako ng katawan, gagawin ko.I still have my limitations though," napapangiting sabi pa ng binata.

ON SETTLING DOWN. Kayod-marino nga raw ang ginagawa ni Raf. Patapos na angtaping ng Prinsesa ng Banyera kung saan mahalaga ang role niya.Ipalalabas naman ang Maligno na patapos na rin ang taping nila.

"I'm so happy, for quite a time, hindi ako nababakantesa regular job. Nakakaipon talaga ako. Gusto ko kasing makabili ng bagongsasakyan, and hopefully, makapagpatayo na ako ng sarili kong bahay.

"That will be the time that I have to contemplate onsettling down. To be honest about it, matagal na rin kasi kami ng girlfriend ko, at kung maisip komang mag-settle down na, mukhang sa kanya na talaga," pahayag ni Raf.

Mukhang marami ang magdurugo ang puso kung gagawin agad itoni Raf.

"Hindi ko naiisip na may malaking mababago if I'd dothat. At saka medyo matagal pa 'yan. I would still be doing the same thing, obaka mas daring pa nga, basta hindi yung makaka-affect negatively sa personallife ko.

"I see everything as part of my work."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN