Alfred Vargas says being a merman is demanding

Instead of the traditional siyokoy costume used in past Dyesebel movies, hunky Alfred Vargas wears a fish tail as one of the mermen in the GMA-7 telefantasya Dyesebel.


Gumaganap ng isang kontrobersyal na papel si Alfred Vargassa Dyesebel, ang pinakaaabangang telefantasya ng GMA-7. Isa siyangsireno (merman) na may buntot at kaliskis. Makaka-triyanggulo niya rito sinaMarian Rivera (in the title role) and Dingdong Dantes.

"Sa tradition kasi ng Dyesebel, siyokoy yungother man," sabi muna ni Alfred. "May bagong bihis ngayon, kasi, maymga sireno na rin sa bagong istorya. Physically demanding ang role kaya dapatna paghandaan."

POSITIVE VIBES. Napag-alaman ng PEP (PhilippineEntertainment Portal) na hindi basta tumatanggap ng exposures ngayon si Alfred para makapag-concentrate sa roleniya sa Dyesebel.

"So far, name-maintain ng GMA-7 yung tatlong regularexposures for me. Happy na ako sa ganoon. Nakakapag-comedy ako sa NUTSEntertainment, then may pagka-suspense naman ang ESP, then itong sa Dyesebel.

"Huli akong napanood sa afternoon drama na My OnlyLove, pero siyempre, iba ang dating ng primetime soap. At saka naniniwalaakong may dalang suwerte si Marian, and she really deserves the good breaks,dahil mabuti talaga siyang tao," nasabi na lang ni Alfred.

Naging suporta ni Alfred si Marian sa Muli, angafternoon soap na sinasabing nag-umpisa ng pagtataas ng ratings ng afternoonshows ng GMA-7.

"Nagtuluy-tuloy ang suwerte ko dahil doon, at pati siMarian, 'di ba? Nagkaroon siya ng Marimar, and the rest is history. Sa palagay ko,pareho kaming suwerte sa isa't isa kaya magiging very positive ang dating ngbagong soap sa amin, na magkasama kami," sabi ni Alfred.

BREATHLESS ROLE. Naglalagi na nga saBatangas si Alfred at kapag nagsu-swimming, kailangang suot niya ang half-fishcostume niya. Nakabuntot na nga kung lumangoy si Alfred.

"Kailangang very creative ang movement," nasabi pani Alfred. "At talagang mahirap. Limitado pa naman ang galaw kapag ganoon.At saka iba yung umaakting ka na hindi humihinga sa ilalim ng tubig, but youhave to convey different emotions.

"Kadalasan, sa taping, mga dalawang oras kami sa ilalimng tubig. Naka-respirator muna siyempre, pero 'pag take na, wala na talaga, asin hindi na ka hihinga. It's really physically demanding," dugtong pa ngaktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naniniwala siya na kahit ang isa pang bida rito ay siDingdong Dantes, mapapansin din siya rito. Idiniin ni Alfred na hindikontrabida ang labas niya sa telefantasyang ito. Makaka-sympathize ang maramisa character niya rito.

FREE OF GOSSIP. Meanwhile, sa pamimili ngexposures, nakaluwag-luwag si Alfred sa schedule niya. Bukod pa rito, mahabangtime din yung hindi na siya nagiging laman ng gossip columns.

"Oo nga, wala munang tsismis. Ang pinakahuli ay yungkay LJ [Reyes]. Natutuwa nga ako na kahit naghiwalay kami, we remained friends.'Pag nagkikita kami, walang negative.

"Kasi, nag-usap naman kaming mabuti ni LJ bagonag-decide. Hanggang ngayon, very good friends kami. Lumalabas pa rin kami kungmay libreng panahon, wala na nga lang commitment.

"To be honest about it, mas masaya ako ng ganitongsingle. Walang masyadong pressures. Iba kasi kapag naka-focus ka sa career mo,'tapos, mayroon pang love life. Talagang mayroong magsa-suffer. Sa kaso ko, itwas my love life, kaya single ako muna. Mahirap din yung may nasasaktan,"napapailing na sabi pa ni Alfred.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN