PEPsters' comments inspired Katherine Luna to return to acting

Actress Katherine Luna makes a comeback after three years of absence via an indie film titled Intercourse with the Truth.


Makikita muli ng publiko si Katherine Luna sa pamamagitan ng indie film na Intercourse with the Truth. Inimbitahan ng producer na si Bert Abesamis ang PEP (Philippine Entertainment Portal) sa Bicutan kung saan ginagawa ni Katherine ang kanyang pelikula. Ang magaling na aktres ay nakilala nang lumabas siya sa Babae sa Breakwater (2004) at Masahista (2005).

Hindi naman kaila sa marami ang pinagdaanan ni Katherine kung kaya't matagal siyang hindi gumawa ng pelikula. Sunud-sunod kasi ang dagok sa kanyang buhay. Kabilang na rito ang magkaroon ng anak sa dati niyang kasamahang artista na si Coco Martin at iwan siya ng aktor, pagkatapos ay nagka-anak din ang aktres sa isa pang lalaki na hindi taga-showbiz.

Sumunod naman dito ay ang pagkamatay ng kanyang lola, na siyang nagpalaki sa kanya. Natigil din ang paggawa ng sexy films kaya apektado si Katherine at naging dahilan kung bakit nawalan siya ng hanapbuhay.

Kaya naman para mabuhay at maitaguyod ang tatlong anak ay sinubukan na nito ang magtinda ng barbecue at ang sumayaw sa club na Classmates.

Pagkatapos na maraming pagsubok sa buhay ay unti-unting nakaahon si Catherine Yson (ang tunay na pangalan ni Katherine Luna).

Ukol sa paggawa niya ng indie films, sinabi ni Katherine na ang PEP ang naging dahilan kung bakit siya bumalik sa pag-aartista. Nabasa raw kasi niya ang ilang komento ng mga PEPsters, tulad ng, "Bakit hindi siya bumalik sa pag-aartista gayung magaling naman siyang umarte." Marami pa raw siyang good comments na nabasa kaya naman na-inspire siya na bumalik muli sa harap ng camera.

Tamang-tama naman at tinulungan daw siya ni Direk Mario O'Hara at Paolo O'Hara, ang pamangkin ng batikang direktor. Sila ang nagrekomenda na gawin nito ang indie film na may titulong Intercourse with the Truth, sa direksiyon ni Teddy Manotoc. Ang naturang pelikula ay nakatakdang ipalabas internationally, partikular na sa India.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Masuwerte naman daw si Katherine dahil ngayong taon na ito ay apat na indie films ang naka-line-up para sa kanya kaya medyo naka-ipon na rin siya. Hindi niya sinayang ang bagong blessings kung kaya't kumuha raw siya ng isang condo unit sa East Wood sa Lapayetri, One Central Park.

Ani Katherine, "Mas focus na ako ngayon at mas matatag, dahil inspirasyon ko ngayon ang tatlo kong mga anak."

Hindi na rin muna raw siya mai-in-love at tama na muna ang mga lalaki, dahil masaya na raw siya sa pag-aalaga ng tatlo niyang anak.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN