Anne Curtis admits "healthy flirting" when she was younger

"Sa past ko... At 16 kasi happy-go-lucky lang ako, e. I'mlike, ‘OK, whatever, I'll just enjoy my life, experience everything and thenwhen I reach the point that I get tired of it, ‘tapos ayoko na. Gusto ko nangmag-concentrate on my work," flashbacks Anne Curtis when asked if she's doneher share of flirting.


Speechless si Anne Curtis nang bukuhin siya ng PEP(Philippine Entertainment Portal) sa nakaraang Valentine's date nila ngnababalitang boyfriend niya na si Sam Milby.

Ayon sa PEP source, pagkatapos manood ni Anne ng concert niSam sa Manila Hotel noong Valentine's day ay nagpunta sila sa bagong bahay ngFil-Am actor sa Pasig City. Doon ay naghihintay ang napakaromantikong dinnerdate nila sa rooftop ng bahay ni Sam. May red roses, red wine with matchingcandles sa ibabaw ng lamesa na naka-set-up na sa rooftop.

At dahil malamig sa rooftop, may nakatabi roon na blanketpara sa kanilang dalawa. First time ba niyang na-experience ng gano'ng surprisefrom a guy na very open sa paghanga sa kanya?

"Hindi," lahad ni Anne sa presscon ng When Love Begins.Siyempre lahat naman ng nanligaw sa akin at naging boyfriend ko sinurprise ako."

Hanggang ngayon ay itinatanggi pa rin ni Anne na mayrelasyon sila ni Sam. Pero hindi naman niya idine-deny na nanliligaw sa kanyasi Sam. And so far, si Sam na yata ang pinakamatagal na nanligaw kay Anne. Kailanba niya planong sagutin si Sam?

"Right time. Siyempre gusto ko, I want to be sure na talaga.Ayoko na ng break-break na ‘yan. Ayoko na ng mga ganun, ‘no?! Twenty-three naako," pahayag pa ni Anne sa amin.

Curious kami sa bahay ni Sam, maganda ba ?

"Maganda siya. Very nice, very sosyal," sagot agad ni Anne.

MARIANNA DEL RIO. Na-link naman kamakailan si Sam saBrazilian model na nag-aartista na rin ngayon dito sa Pilipinas, si Mariannadel Rio. Hindi naman itinanggi ni Sam na nagkakilala sila ni Marianna at nagkaroon ng "simple flirting" noong una silangnag-meet sa ASAP '08.

Kasunod nito, may lumabas na balitang nagalit daw si Annekay Marianna. Totoo ba?

"No, no, no, no," sunud-sunod na tanggi ni Anne. Aniya pa,hindi pa raw niya nakikilala nang personal si Marianna.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I've never met her. [But] of course, I know her."

Aware ba siya sa "simple flirting" na nangyari kina Sam atMarianna?

"Of course, alam ko naman yun. Pero siyempre that's Sam'sbusiness na. Ayokong makialam, ‘di ba?"

Ano naman ang naging reaksyon niya noong sinabi na sa kanyaang tungkol doon ni Sam?

"Wala naman. Sabi ko, ‘OK. Thanks fore telling me." Wala rawsiyang selos na naramdaman. "Kasi nung time naman nangyari yun, wala pa ako So,it's none of my business na."

HEALTHY FLIRTING. Usapang flirting, sinubukan na rin bani Anne ang mag-flirt?

"Tinatanong pa ba yun?" natatawang balik-tanong ni Anne. "Sapast ko. Sa past ko naman siyempre."

We asked her to elaborate more tungkol sa pagpi-flirt niya.

"Wala. I guess, flirting naman kasi...if it is healthyflirting, ha. Hindi naman yung...you know, you're expecting something fromit.

"It's a good feeling naman, e."

When was the last time na ginawa niya ‘yon?

"Mga 18 , 19, ganyan."

Ipinagpalagay namin na ang boyfriend niya that time ay siRichard Gutierrez.

"Korek! Alam mo yung time frame ko, ha?" balik ni Anne saamin.

Never na ba niyang ginawa yun ulit?

"Uh, not like that. I just know now what I should andshouldn't settle for.

"At 16 kasi happy-go-lucky lang ako, e," balik-tanaw ni Annesa amin during her "flirting" phase. "I'm like, ‘OK, whatever, I'll just enjoymy life, experience everything and then when I reach the point that I get tiredof it, ‘tapos ayoko na. Gusto ko nang mag-concentrate on my work.

"Kasi before, alam ninyo may stage ako na gusto kong magpakasal, ganyan. Pero now when Iturned 23, sabi ko parang ayoko munang magpakasal. Marami pa akong plans na gusto kong gawin. I want to travel more. I want to go to auniversity."

Tinanong namin kung ano naman ang gusto niyang kuning kursowhen the time comes na mag-aaral na siya sa isang university?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Education. Kasi kung may money ako, I'll open up akindergarten. Pero if not, I'll be a pre-school teacher."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN