Ara Mina denies telling sister Cristine Reyes to leave GMA-7 for ABS-CBN

"Ayokong isipin nila nabinuyo ko ang kapatid ko dahil nandito na ako [sa ABS-CBN]. ‘Di rin naman siguro masama ang ginawa niya.Ang sa akin lang naman, bigyan natin siya ng freedom," says Ara Mina, referring to accusations that she's behind her sister Cristine Reyes's decision to leaveGMA-7 for ABS-CBN.


Sa pagpirma ni CristineReyes ng one year exclusive contract sa ABS-CBN noong Miyerkules,Abril 9, inaasahan nang ito ang hudyat ng mas malalim na hidwaan niya at ng datingnetwork na kinabibilangan, ang GMA-7.

Sa press statement nainilabas ng GMA-7 tungkol sa pag-alis ni Cristine bilang talent nila, idiniinang problema ng network sa attitude at behavior ng young actress bilang rasonkung bakit nagdesisyon na ang management na bitawan na lamang ito nangtuluyan.

Agad namang hiningan ng reaksyonng PEP (Philippine Entertainment Portal) si AraMina, nakatatandang kapatid attumatayong manager ni Cristine. Tinanong ng PEP kung maaari bang tumayo bilangtulay si Ara upang matuldukan at maayos ang problema sa pagitan ng kapatid atng Siyete.

"Oo. Pero siguro medyopapalamigin muna natin ang mga bagay-bagay. Masakit din yun for them kasi from Starstruck, sa kanila nag-umpisa si Cristine,inalagaan nila, itinuring na parang anak-anakan. So normal naman na yun angmaging feelings nila.

"Ako rin naman umalis akong GMA, pero ang difference namin ni Cristine, matagal na akong walang contractsa kanila kaya madali kaming nagkaintindihan. I gave the reason na as anactress I want to try something new with my career, with my craft, lalo't focusedsila noon sa mga fantaserye and naintindihan naman nila," paliwanag ni Ara.

At sa gap na meron ngayonang GMA-7 at ang kapatid niyang si Cristine, natural na nakaalalay siya sakanyang kapatid.

"Medyo ‘di rin kasi kami gaanongnakapag-uusap ng kapatid ko noon. Busy rin ako. So nung lumapit siya sa akin,sinabi niya na ‘pag nakapag-decide na raw siya, puwede raw ba na ako na lang angmag-manage sa career niya? Ako naman, sinabiko na sige at kahit saan siya mapunta, GMA man o sa ABS, walang problema saakin."

"Basta ako I respect theopinion or statement of GMA, wala akong bad blood sa kanila. As a sister and Cristine's manager, nanditoako to guide my sister."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala mang exclusivecontract sa ABS-CBN ay naunang naging visible si Ara sa mga shows ngABS at isa na rito ang Prinsesa ngBanyera kung saan gumaganap siyang kontrabida. Nagpaliwanag lang angaktres na walang pambubuyong nangyari kaya't ‘didapat lagyan ng intriga na siya ang nag-impluwensiya kay Cristine.

"Ayokong isipin nila nabinuyo ko ang kapatid ko dahil nandito na ako [sa ABS-CBN]. ‘Di rin naman siguro masama ang ginawa niya.Ang sa akin lang naman, bigyan natin siya ng freedom. Ayokong magkaroon ulikami ng conflict just like before. Yung kapatid ko, gusto ko siyang bigyan ngright to choose."

Naging very open siCristine na ang mas malaking talent fee ang isa sa rason kung bakit lumipatsiya sa ABS-CBN. Sa parte naman ni Ara, binigyang-linaw niya sa amin na hindinaging isyu sa kanya ang pera kahit kailan.

"Malaki rin naman ang TFsa kabila. ‘Di lang naman sa talent fee yun. Ang pera madaling mawala, pero hindiang pakikisama."

Nang hingan namin ngmensahe si Ara para sa nakakabatang kapatid, ito ang pahayag niya.

"Siguro paghusayan niyaang trabaho niya, kasi marami siyang kakumpitensiya dito [sa ABS-CBN]. Galinganniya ang acting niya, ‘di lahat ng talent or artista, nabibigyan ng break na magsolo. Sobrangmalaking opportunity ito so pagbutihan niya at sana ‘wag aakyat sa ulo niya ang kasikatan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN