Jolina Magdangal mistaken as cabin attendant by luxury liner's foreign guests

“Ayaw po nilang maniwala na shooting iyon ng movie naming I.T.A.L.Y. Pero nag-sorry naman posila sa akin nang malaman nilang totoo palang shooting iyon at nanood na rinsila,” relates Jolina Magdangal in her text message to PEP about an incident whileshooting I.T.A.L.Y. (I Trust And LoveYou).



Nakatanggap ng e-mails ang PEP (Philippine EntertainmentPortal) from GMA Films project coordinator Noel Ferrrer, Daddy Jun Magdangal atboyfriend ni Jolina Magdangal na si Bebong Munoz. Updates ng I .T.A.L.Y.(I Trust And I Love You) at photos ang laman ng e-mail.

Nakakatuwa naman ang text ni Jolina Magdangal sa PEP habangnagku-cruise sila aboard the luxury liner Costa Magica, from Marseilles, France to Barcelona, Spain.Inutus-utusan daw siya ng mga tourist sa barko.

"Napagkamalan po nila akong cabin attendant," textni Jolens. "Nagsu-shoot po kasi kami kaya naka-uniform ako. Ayaw po nilang maniwala na shooting iyon ng movie naming I.T.A.L.Y. Pero nag-sorry naman po sila sa akin nang malamannilang totoo palang shooting iyon at nanood na rin sila."

Hindi na raw malilimutan ni Jolina ang shooting na iyon. Bukodsa first time niyang nag-cruise, naka-bonding niya ang mga co-GMA stars niyangsina Dennis Trillo, Rufa Mae Quinto, Rhian Ramos, Mark Herras, at angKapamilyang si Eugene Domingo na nakasama na rin niya noong nasa ABS-CBN pasiya.

Gusto rin niyang balikan ang Venicedahil napaka-romantic daw ng place. Sa Venice daw sila nag-shoot ng eksenangnaka-wedding gown siya at sumakay pa sa gondola. Sa pagbalik niya sa Venice, kasama na niya angboyfriend na si Bebong. Dahil nang mag-shoot daw siya roon, nasa Milan pa si Bebong,kasama nina Dennis, Rufa Mae, Eugene, Rhian, at Mark.

Ang bait-bait din daw ng cruise captain nilang si CaptainFrank na noong Italian talent night, kinantahan sila nito at ng crew ng "OSolo Mio." Si Mark naman ay naki-join sa pagsayaw ng "Volare"with the crew. Pinalakpakan din ng mga turista ang pagkanta ni Rufa Mae ngpaboritong song nito na "Ocean Deep" at ang heartfelt rendition niJolina ng "Will of the Wind."

"Pabalik na po ang cruise at babalik kami muli sa Savonain Italy. Fromthere, magba-bus na po kami for Milan, thensasakay na kami ng airplane for Amsterdam, and thenflight back to Manila nakami. Kailangan ko na pong bumalik dahil magla-live na kami sa Pinoy Idol.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Text naman ni Noel: "Nandiyan na si Rufa Mae saPilipinas ngayong hapon, hahabulin niya kasi ang Showbiz Central tomorrow, may TV coverage ang pagdating niya atipalalabas tomorrow sa show plus ang mga initial shots namin dito ng movie.Miss na rin namin ang Pilipinas, kaya sa Tuesday, sabay-sabay na kaming babaliknina Jolina, Eugene, Rhian at Mark. Maiiwanan pa sina Direk Mark Reyes atDennis Trillo, with his manager Popoy Caritativo. Pag-dock ng barko sa Rome, magsu-shooting pa roon ngmga additional scenes si Dennis.

"Pagbalik namin diyan, tuluy-tuloy pa rin ang shootingnamin dahil may mga eksena pang makakasama sina Aljur Abrenica at Edgar AllanGuzman at ilan pang talents ng GMA Network."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN