Jewel Mische doesn't mind link between Richard Gutierrez and KC Concepcion

Jewel Mische says nothing changed between her and RichardGutierrez even though it has been reported Richard is now more interested inKC Concepcion.


Napabalita nang husto na binigyan ni Richard Gutierrez ngbulaklak si KC Concepcion noong nakaraang Valentine's Day. And we found out,maging si Jewel Mische na kapareha ng binata sa GMA-7's Kamandag ay nakatanggap din ng flowers mula sa guwapong young actornitong nakaraang Araw ng mga Puso.

Pero nang tanungin ng PEP (Philippine Entertainment Portal)si Jewel kung anong klaseng bulaklak ang ibinigay sa kanya ni Richard, tumanggiitong i-identify 'yon.

"Hindi ko na po sasabihin," tanggi ng dalaga. Hindi na rinnamin napilit itong magsalita pa tungkol dito.

Bago umugong nang husto ang pagli-link kina Richard at KC,si Jewel ang napapabalitang apple of the eye ni Richard.

Hindi ba naapektuhan ng KC-Richard romantic angle angsamahan nila ni Richard?

"Siguro po, kasi po sa mga balita, ganun. Pero sa amingdalawa, wala akong ganun na napansin. Kung ano kami before, like we're friends,we're close, so ganun pa rin naman po," simpleng sagot ni Jewel.

At hindi rin daw naaapektuhannegatively si Jewel kapag may mga kung anu-anong rumors na naglalabasan. Tuladng sinasabing naisantabi na raw siya dahil nga sumentrong bigla ang usapan kinaRichard at KC.

"Hindi po talaga, kasi nasasanay na rin naman po ako sashowbiz na ang daming mga very unpredictable. Like hindi mo alam kung ano yungmga susunod na mangyayari."

So kahit konti ay wala siyang inis kay KC?

"Wala po," sagot ni Jewel.

Kinumusta namin kay Jewel ang nalalapit na pagwawakas ng Kamandag nila ni Richard.

"Naku, dapat pong abangan. Matatapos na kasi, marami pa ringtwists, and to be honest, kami hindi pa po namin talaga alam kung ano pa angmga mangyayari.

"Basta tuluy-tuloy po yung taping namin. Pero kami, hindipa namin natatapos yung ending ng script, kaya hindi po namin alam kung ano angmangyayari sa bandang huli."

Ano ang mami-miss ni Jewel kay Richard?

"Siyempre, mami-miss ko po siyang katrabaho."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

How about on a more personal level?

"Kung tungkol po run, dapat wala akong ma-miss. Kasikung personal naman yun, like if we communicate, sana it will remain like that, kahit tapos napo yung Kamandag."

Close ba si Jewel kay Tita Annabelle Rama na mommy atmanager at the same time ni Richard?

"Nagkikita po kami in some functions. She's nice, she's a very good woman," sabi ni Jewel.

Dati raw, puro about Jewel ang magagandang comments ni TitaAnnebelle. Pero suddenly, parang boto na ang mommy ni Richard kay KC.

"Ha-ha-ha! Babalik na naman tayo run? Wala po akong masasabitungkol dun, pero masaya ako na she's [Annabelle] really nice to me. Yun poyung dapat kong isipin, hindi yung kung ano siya sa iba."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN