Eula Valdes happy working with Kapuso yet still in touch with Kapamilya friends

"Gusto ko lang naman trabaho, e," replies Eula Valdes when asked how she's faring in GMA-7 after transferring from ABS-CBN.



Kahit magtatapos na ang Kamandag,hindi nalulungkot si Eula Valdes dahil very close na sila as friends ng mganaging co-stars niya, at tuluy-tuloy raw ang pagba-bonding nila kahit matataposna ang show.

"Okey lang, kasi makakasama ko pa rin naman sila, e," saysEula. Looking forward na nga raw siyang makatrabaho uli sila sa susunod niyangtrabaho sa Siyete.

"Hindi ko alam ang next project ko, pero ang alam ko meron,"ani Eula. Pero bago ang trabaho, magbabakasyon muna ang aktresafter Kamandag.

"Aalis kaming tatlo, si Miguel, si Juliana, ako. Pupuntakaming Australia,"kuwento ni Eula sa PEP (Philippine Entertainment Portal). This coming May silaaalis ng kanyang dalawang anak at three weeks nilang makakapiling ang mister niEula na si Richard Litonjua.

Based sa Australia siRichard bilang isang electrical engineer. Halos puro pamamasyal at malling daw ang gagawin nina Eula at dalawang kids. Si Richard naman aysa umaga at sa gabi lang nila makaka-bonding.

"Ano siya, e...sabi nga niya, this May... walasiyang holiday, e! So magkikita na lang kami umaga bago siya umalis, and thensa gabi pag-uwi niya."

Sa Brisbane ang trabaho ni Richard ngayon, althoughtaga-Gold Coast talaga ang husband ni Eula. May mga kamag-anak rin si Eula sa Sydney at titingnan niyakung mabibisita nila ang mga ito.

Sa tatlong linggong pagbabakasyon ni Eula sa piling ngkanyang mister, masundan kaya ang bunso at only girl nilang anak na si Julianana three years old na ngayon?

"Haller! Ang hirap magpapayat, ‘noh!

"Tama na, kumpleto na, may babae't lalake na ako, e. Okey nayun."

Si Miguel naman na anak na panganay ni Eula ay 13years old na, matangkad at guwapo. Balita nga namin, marami nang girls angtumatawag kay Miguel. Ready na bang maging lola si Eula in the (near?) future,if ever?

"'Wag naman!" natatawang sagot ni Eula sa aming biro.

Going back to her work, nag-start na magtrabaho para sa GMA-7si Eula November last year. Sino ang pinakamami-miss niya sa cast ng Kamandag?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Lahat, e. Like tulad ‘pag ganitong may guesting, ganitokami kagulo. Lahat, pati crew. E, makikita ko rin naman uli sila."

That day kasi na kausap ng PEP si Eula, guest ang cast ng Kamandag sa All Star K! The 1 Million Videoke Challenge nina Allan K at Jaya parasa summer episode ng show sa Coral View Resort sa Morong sa Bataan.

So ngayon after five months of working with GMA-7 anong masasabini Eula? Ano'ng feeling?

"Okey, kasi gusto ko lang naman mag-trabaho, e," simplengsagot na lang ni Eula.

Pero sobrang saya nga raw ng pagtatrabaho niya sa Kapuso networkfor the last five months.

Kinumusta namin kung may contact pa rin ba siya with herfriends from ABS-CBN?

"Meron pa din," ani Eula. She keeps in touch pa rin namandaw sa mga kaibigan niya roon once in a while.

"Okey na okey pa rin ang friendship ko with them. Sabi konga sa ‘yo, trabaho lang naman ang gusto ko, e."

Nang maging Kapamilya, pumirma rin ng kontrata si Eula saGMA Films. Nai-suggest namin tuloy na since nasa Siyete na rin ang kasama niyanoon sa ABS-CBN at "nemesis" niya sa isang TV drama noon sa dos na si JeanGarcia, bakit hindi na lang sila pagsamahin in one movie. Sikat na sikat kasiang characters na ginampanan nila noong Amor Powers (played by Eula) at MadamClaudia (played by Jean). Tiyak na bongga kapag nagkasama sila sa isang movie okahit na sa isang show ng Siyete.

"Hindi ko alam, hindi naman ako ang nagde-decide niyan." AngSiyete naman daw talaga ang nagsasabi kung ano ang mga magiging project niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN