Dingdong Dantes open to working with Gabby Concecpion

"Opo, I'll look forward to it, kung mabibigyan ng pagkakataon," responds Dingdong Dantes when asked if he wants to work with Gabby Concepcion in a movie.


Pagkatapos ng success ng pagpapareha nina Dingdong Dantes atMarian Rivera sa Marimar ng GMA-7, magkakaperehamuli sila sa Dyesebel. Naitanongtuloy ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Dingdong na kung sakalingmay pangatlong pagkakataon na magkakapareha uli sila ni Marian ay tatanggapinniya kaya ito?

"Ang alam ko kasi wala, e! Alam ko na kasi na sa susunod,hindi muna kami. Yun ang pagkakaalam ko. So, without thinking, alam kong yunang mangyayari," saad ni Dingdong.

Pero para kay Dingdong, gusto ba niya na magkaroon sila niMarian ng pangatlong proyekto, o pahinga muna sa isa't isa?

"Hindi ko pa masabi e," sagot niDingdong. "Pero kung ano ang desisyon nila, they should know better. Biglaan,e! Parang ito [Dyesebel] naman nunguna, hindi ko naman alam kung ako ba talaga yung kino-consider nila.

"Kahit si Marian hindi rin niya alam [na siya ang gaganap naDyesebel], so nag-iiba-iba talaga, e.So depende sa panahon. Right timing lang talaga."

Hindi naman daw ikinatatakot ni Dingdong na ma-overexposesila ni Marian kung sila palagi ang magkapareha. Mas nananaig daw kay Dingdongang kagustuhan na mapagbigyan ang mga taong nabitin sa samahan nila ni Mariansa Marimar.

Kaya raw sa Dyesebel,marami pa silang gagawin at ipapakita na mga bago sa televiewers na hindi panila nagagawa sa Marimar.

"Yun yung isa sa mga dahilan kung bakit hindi kami natatakotsa overexposure."

STARRING WITH GABO.Pretty boy ng '80s si Gabby Concepcion na after 13 years aynagbalik-showbiz dito sa Pilipinas. Si Dingdong naman, pretty boy ng localshowbiz sa kasalukuyan. May mga nagsa-suggest na maganda sigurong pagsamahinsila sa isang movie project.

Okey na okey naman ito for Dingdong.

"Opo, I'll look forward to it, kung mabibigyan ng pagkakataon,"positive na tugon ni Dingdong.

Wala na kasi si Gabby noong pumasok sa showbiz si Dingdong.Pero may alam naman si Dingdong kung gaano kaganda makatrabaho si Gabby.

"Naaalala ko siya clearly dahil lagi siyang kinukuwento saakin noon ni Antoinette [Taus, his ex-girlfriend] dahil nagka-movie yata sila,na parang sobrang tinatrato siya na parang anak or something. So parati kosiyang naririnig noon pa man."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN