Lani Mercado and Bong Revilla announce that daughter Inah is pregnant

Speaking on behalf of their 18-year-old daughter Inah (left), celebrity couple Lani Mercado and Bong Revilla publicly announced that their daughter is almost four months pregnant. Inah and her non-showbiz boyfriend Vince del Rosario (right) will marry on May 28 at the Manila Cathedral.



Nagmistulang press conference ang simula ng 40th birthday celebration ni Lani Mercado kagabi, April 12, na ginanap sa The Palms Country Club, Alabang, Muntinlupa City.

Bukod kasi mismo sa birthday celebrant, ay ilang araw na ring tinututukan ng entertainment press ang magiging official statement ni Lani kaugnay sa pagpapakasal ng anak na si Inah Revilla sa murang edad na 18-years-old.

STAND-OUT SUITOR. Noong nakaraang linggo ay kinumpirma ng manager ni Lani na si Lolit Solis ang balitang pagpapakasal ni Inah sa non-showbiz boyfriend nito, na ikinagulat ng marami sa dahilang napakabata pa ng dalaga para lumagay sa tahimik.

In fact, sariwa pa sa isipan ng publiko ang naging debut ni Inah last year, October 13, na idinaos sa One Esplanade Place sa Pasay City. During the party ay tinanong pa si Inah ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kung ready na ba siyang mag-boyfriend ngayong nasa legal age na siya.

"May mga suitors naman ako pero hindi naman sila priority talaga. Alam naman nina Daddy at Mommy na may mga nanliligaw at kilala naman nila silang lahat," sagot nito.

Pero hindi naman itinago ng dalaga na meron na siyang napupusuan among her suitors. "Pero one of them stood out at nandito rin siya sa party," pagmamalaki nito.

Ngunit tumanggi si Inah na i-reveal ang identity ni stand-out suitor, "Hindi ko siya ituturo kasi hindi naman siya showbiz na tao."

FIRST TO KNOW. Ilang buwan nga matapos ang nasabing debut party ay lumabas ang balitang pagpapaksal ni Inah this coming May 28 sa Manila Cathedral.

Kagabi bago tuluyang tumuloy si Lani at ang mister nito na si Sen. Bong Revilla sa magarbong function room ay tinipon muna nila ang press sa isang silid para ilahad ang kanilang saloobin.

Taliwas sa mga naunang pahayag ay diretsong inamin ng mag-asawa ang tunay na kalagayan ni Inah na siyang nagtulak sa pagpapakasal nito sa boyfriend na si Vince del Rosario.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siguro this is the most appropriate time kasi all the members of the family are here," bungad ni Lani sa mga reporters habang katabi si Bong.

"We're a public property and we understand that. And we owe it to the public kung ano man 'yong nangyayari sa pamilya namin, the public should know the truth, wala kaming dapat itago," paliwanag ni Bong bago tuluyang pakawalan ang pinakamabigat na rebelasyon: "Aaminin namin, our daughter is pregnant."

According to Lani ay nasa ikatlong buwan, "going on her fourth month," na ngayon si Inah at inaasahang manganganak ito bandang September o October.

Si Lani ang unang nakaalam tungkol sa kalagayan ng pangatlong anak.

"She opted not to tell us yet until we were in the States having a vacation," recollects Lani.

Kuwento ni Lani, "Actually it was somebody close to them, ‘yong step mom ni Vince ang tumawag sa akin. I was the first one to know sa aming dalawa [ni Bong]. It was a phone call and I had a very big problem that time kasi hindi ko alam kung papano ko sasabihin kay Bong and eventually itunulog ko muna. Actually hindi ko masyadong naitulog, hinintay ko overnight, hinitay kong makatulog siya [Bong], hinintay ko munang medyo gumanda, maging maganda, kumbaga right ‘yong mood pero hindi ko kayang tiisin na patagalin pa sa puso ko and I have to tell him the news."

SPILLING THE NEWS. Wala naman daw talagang balak ang pamilyaa Revilla na itago ang tunay na kalagayan ni Inah sa publiko. Kung hindi man daw nila nagawang ipamalita agad-agad ang pagbubuntis ng dalaga ay dahil sila mismo ay nagulat. Kailangan din muna nilang timbangin ang mga bagay-bagay bago maglabas ng isang official statement.

"Äctually wala naman kaming planong itago,"depensa ni Bong. "Siyempre 'yong mga bagay na ganito, pagkadumating sa buhay ng tao, especially for a very young age katulad ni Inah, sa mga magulang na katulad namin pinag-aaralan naming mabuti kung ano 'yong maganda para sa kanila so talagang pinag-aralan naming mabuti kung anong makakabuti sa anak namin and nakapag-desisyon nga kami na ipakasal sila dito sa atin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sariling initiative na rin ni Lani and Bong na sila mismo ang magsalita in behalf of Inah and Vince.

Paliwanag ni Lani: "Normally talaga kasi it should come from the couple but since both of them would rather allow us to announce it for them kasi hindi naman talaga showbiz couple silang matatawag. Si Inah's not really that active in show business plus the family of Vince is a very private family hindi sila sanay na ganito ang buhay so we opt na kami ang magsabi kasi ang dami nang speculations."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN