Lani Mercado gives advice to expectant daughter Inah

"Vince, mahalin mo ang anak ko katulad ngpagmamahal namin sa kanya. Katulad nga ng sabi ng papa niya, ‘Prinsesanamin si Inah [standing in photo].' Take good care of her at huwag mo siyangsasaktan," says Lani Mercado (seated) to her daughter Inah's boyfriend, Vince delRosario (not in photo).


Matapos lumabas ang balita noong nakaraang linggo namagpapakasal na ang panganay na babaeng anak nina Senator Bong Revilla at LaniMercado, marami ang nagtaka at nag-isip na marahil buntis si Inah Revilla kungkaya biglaan ang desisyon ng pagpapakasal. (Click here to read full story)

Lalo pang umugong ang ispekulasyong ito nang manatilingtahimik lamang ang mga magulang ni Inah ukol sa balita. Tanging angnakatatandang kapatid nitong si Jolo at ang manager ng kanyang magulang na siLolit Solis ang nagbigay ng pahayag tungkol sa biglaang plano ng pagpapakasal ng dalaga.

Matatandaan na noong October 2007 ay ipinagdiwang ni Inahang kanyang 18th birthday, kung saan isang engrandeng debut partyang inihanda para sa dalaga. Sa naturang okasyon, nagbigay ng wish atpaalala si Lani para sa kanyang anak.

Ayon kay Lani, "Pinananalangin ko na kapag may mgaumaali-aligid na, pinagdadasal ko na sanahuwag muna siyang mag-decide. Ano muna, keep her options open. At sana huwag munangmag-aasawa, huwag gagayahin ang nanay, huwag na huwag na huwag!"

Ngunit tila hindi na nga ito mangyayari lalo pa't kinumpirmana rin ni Lani ang napipintong pagpapakasal ni Inah sa kanyang boyfriend na siVince del Rosario sa darating na May 28, sa Manila Cathedral.

Kahapon, April 12, humarap sa Startalk si Lani, nanadiriwang ng kanyang 40th birthday ngayon, upang magbigay ngkanyang pahayag ukol sa kanyang anak na si Inah. Dito unang tinanong siLani kung totoo ang mga usap-usapan na kaya magpapakasal si Inah ay dahilnagdadalang-tao ito.

TALENT MANAGER REACTS. Ngunit bago sinagot ni Lani ang tanong, muling nagpaliwanag si Lolit bilang depensa sakanyang mga "anak" laban sa mga taong nagbibigay ng kung anu-anong ispekulasyon.

Panimula ng TV host-talent manager, "Mayroon akongipapaliwanag, Butch. Kasi, ‘di ba, Joey, andami-dami kasing speculation,ang daming lumabas na ano, na parang kaya lang magpapakasal dahil daw buntis,dahil ano, ‘di ba?

"Hindi ba, usually, kasi ang announcement na 'yan dapatnanggagaling sa magpapakasal, e. Hindi ba, doon sa couple, kapagmagpapapakasal na sila ‘tsaka ina-announce. Parang si Yilmaz [Bektas]noon, in-announce na buntis si Ruffa. Parang si Aga Muhlach, siya yung nag-a-announcena ano..."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matapos nito ay pinuna ni Lolit ang mga namimintas kina Bongat Lani bilang mga magulang. Aniya, "Ang pinipintasan nila si Bong at sakasi Lani na bakit dine-deny daw. Wala naman silang dine-deny, wala silangina-admit, wala silang dine-deny.

"Wala silang sinasabi dahil nga kung sakali mang totoo yungspeculations na buntis si Inah, dapat manggaling yun sa couple, ‘diba? Dahil kung sakali mang totoong buntis, matutuwa na naman si Lani atsaka si Bong na magkakaroon na naman sila ng bagong apo.

"At saka hindi yun kasalanan ni Bong at saka ni Lani kunghalimbawang ine-evade nila yung question dahil dapat nga manggaling sa lalaki,sa dalawa, ang announcement tungkol diyan. Yun ang proper talagang gawin."

LANI SHOCKED BY DAUGHTER'S DECISION. Isa-isa namangikinuwento ni Lani ang mga pangyayari nang umamin sa kanila ni Bong angdalagang anak at boyfriend nito.

Paliwanag ng TV host-actress, kaya hindi sila agadnakapagpaunlak ng interview ukol sa balita ay dahil kararating lang nilang mag-asawamula sa bakasyon sa U.S.

Kuwento ni Lani, "Kaya last Saturday hindi muna ako nagsalitakasi I wanted to make things... Kararating ko lang kasi noong April 2 and it wasthe first meeting I had with the family of the guy, si Vince del Rosario.

"So I wanted to make sure if they are ready. Tinanongnaman namin kung handa silang dalawa. Vince is 23, my daughter is18. At sabi ko, ‘Ano ba ang planoninyo? At yun nga, magpapakasal.

"I'm happy for them kasi hindi sila yung tipong boyfriend atmag-girlfriend na nagtanan, nagpaalam sila. Sinabi nila ng tapat kung anoang kanilang mga plano."

Inamin ni Lani na bagama't nabigla rin sila sa nagingdesisyon ng kanilang anak, maluwag naman nila itong tinanggap ni Bong.

Dagdag na pahayag ng ina, "Nakakabigla because, katulad nungpinakita ninyo sa VTR, one of my wishes nung nag-18 siya is not to get marriedearly like me. Pero ang kapalaran ng anak ko talaga hindi mo masasabi,katulad ng nangyari rin sa akin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

RIGHT TIMING. Nang tanungin si Lani ng Startalk kung paano nagpaalam angkanilang dalaga, napangiti ito ng bahagya at sinabing, "Ewan ko itong mgabatang ito... Nalaman ko ito noong nagbabakasyon kami ni Bong sa Amerika."

Patuloy ni Lani, "Siguro ano na ito, pagkakataon na rin ngPanginoon na... Siguro sinadya na rin ng mga bata na [habang] nandoon kasi alamng mga bata na may binabalak kaming mga bakasyon, kasama ng mga tatlongmaliliit. They don't want to spoil our vacation, but kailangan nilangipagtapat, so pinagtapat nila.

"Siyempre emotional kami parehas ni Bong, pero ang una ngangtinanong ko sa kanila is kung ano ba ang planonila. Handa ba sila sa sinusuong nilang mga pangyayari sa buhay?"

INAH APOLOGIZES. Sa kalagitnaan ng interview,isang phone patch ang inihanda ng Startalk kung saan si Inah ang nasakabilang linya. At ang una kaagad niyang nasabi sa ina, "Ma, sorry kungna-disappoint kita. I mean, birthday na birthday mo 'tapos ito angmangyayari."

Maluha-luha namang sinagot ito ni Lani ng, "Wala namangmasama, anak, e. You've been a good daughter."

Dagdag pa niya, "Alam ko, if I could only make the choicefor you, and these decisions for you, dahil dinaanan ko na ang lahat, umibig dinako, alam ko yung pakiramdam na iyan. Pero wala, e. Hindi naman kitanababantayan 24/7. Ang puso mo ay hindi ko puso, ang desisyon mo ay hindi kodesisyon, nandoon lang naman ako at nangangaral lang sa 'yo. Anak, mahal namahal kita."

Ito naman ang naging sagot ni Inah sa kabilang linya ngtelepono, "Ako rin, Ma, I love you so much. Sorry kasi in recent days langtayo naging mas close pa. I mean, dati siyempre may fears ako na medyomalayo sa family, ngayon lang tayo nagiging close. I want to say namami-miss kita siyempre."

Agad na kumontra ang kanyang ina at sinabi, "Hoy, hindi kanaman mawawala, anak, e. You'lll be on your own, you'll have a house,you'll have a place of your own with Vince. But nandito lang kami, dalawinn'yo lang kami every week and kung gusto mo every day kahit any minute of theday."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod sa kanyang ina, humingi rin ng tawad si Inah sa kanyangama na si Senator Bong. Inamin niya na talagang napaluha ang kanyang amanang sabihin niya ang balak na pagpapakasal.

Kuwento ni Inah, "Kung siya ay umiyak noong nagpaalam akonoong prom ko kung puwede akong pumunta at puwede magka-date, ‘di ba, mas lalo namanngayon?"

At ang mensahe niya para sa ama, "Kay Papa, sorry kungna-disappoint din kita. Sanahindi pa ako dumagdag sa white hair mo na tumutubo sa ulo. Ano, babawitalaga ako ng sobra-sobra. Hindi talaga ako titigil hangga't hindi kayoproud sa akin. At saka love ko kayo sobra-sobra ni Mama, and nandito akoparati. I'm just a call away."

SPECULATIONS ARE EXPECTED. Kinalaunan,kinumpirma na rin mismo ni Inah na buntis siya sa boyfriend niyang siVince. Kaugnay nito, handa na rin diumano siya sa kanilang desisyon namagpakasal.

Inasahan na rin diumano ni Inah na magkakaroon ng intriga sabiglaang desisyon nilang magpakasal. Aniya, "When I found out na yun nga,yung ‘positive' and then... Talagang in-expect ko na itong lahat, the speculation,yung madi-disappoint lahat ng tao sa akin. Siyempre kasi first daughter,and everyone was expecting me to do better.

"Yun, may school pa, and then so much in front of mepa. Siyempre hindi naman natin masasabi na tapos na ang mundo ko. Pero,alam mo 'yun, mag-aaral pa rin naman ako after, as in babawi talaga ako ngsobra-sobra."

Bilang suporta, sumagot naman si Lani ng, "Sabi nga, anak,always think of the better side of everything. Ano naman, e, habang maybuhay may pag-asa. At saka ano, I know inspirasyon mo rin si Vince to continue."

Nagbigay rin si Lani ng payo sa kanyang dalaga at sa soon-to-beson-in-law. Paalala niya, "Both of you should continue to hold ontogether, mag-aral kayong mabuti. Nag-aaral pa kasi si Vince, but I knowyou have a bright future ahead of you. Tatagan ninyo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

LANI'S MESSAGES. Maya-mayapa ay nagbigay na rin ng mensahe si Lani para kina Inah at Vince. Aniya,"To Inah and Vince, our support will always be with you, alam n'yo naman 'yanfrom the very beginning na sinabi n'yo sa amin yung magaganap sa buhay ninyongdalawa. Nandito kami palagi para sa inyo, through thick and thin, we'rehere to support you."

Nakiusap din si Lani kay Vince na, "Mahalin mo ang anak kokatulad ng pagmamahal namin sa kanya. Katulad nga ng sabi ng papa niya,‘Prinsesa namin si Inah.' Take good care of her at huwag mo siyangsasaktan."

At para sa mga kabataan na gustong magpakasal ng maaga, angtanging masasabi ni Lani, "Alam ninyo, pinagdadaanan ng mga magulang ang mgaganito. Maaga akong nag-asawa, kami ni Bong ay 18 at 19 nag-asawa, pero sofar we're going on our 22nd year. Maraming unos na dumadaan perokailangan talaga lang maging matatag ang bawat isa.

"Actually, marami rin namang nag-aasawa ng late na perohindi rin naman nagtatagal ang kanilang samahan. So, hindi yan kesyo bata,kesyo matanda, ang kailangan ay handa kayong pareho at mahal ninyo ang isa'tisa. At kaya ninyong suungin ang kahit na anong bagyo na daratingtogether—hindi nag-iisa, ha, together."

At pahabol pa niya, "At kung maiiwasan n'yo rin na huwagmaaga ring mag-aasawa, e, di iiwas-iwasan. Pero kung nandiyan na, maymagagawa pa ba tayo? Suportahan na lang natin ang mga anak."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN