If GMA-7 has "Survivor," ABS-CBN has "Fear Factor"

No official announcement yet, but reports go around sayingABS-CBN got the franchise for the reality show Fear Factor. GMA-7 got the Philippine franchise of Survivor.



Nababasa ng PEP (Philippine Entertainment Portal) angrequest ng Kapuso viewers kung sino ang gusto nilang mag-host ng Survivor Philippines.May gustong si Drew Arellano ang mag-host nito, merong may type si ChrisTiu, at mas marami ang pumipili kay Paolo Bediones.

But as of today, schedule pa lang ng series of auditions saLuzon, Visayas, at Mindanao ang naka-announcesa website ng biggest reality show na nasa Pinas na. Wala pang clue kungkanino ibibigay at kung sino ang pipiliin ng GMA News and Public Affairs bilang host nito.

Naaalala ng PEP the last time na ma-interview si Paolo,hanggang May na lang sa ere ang Tok.Tok, Tok!, pero ibabalik daw saSeptember. Wala pang bagong show na ino-offer sa kanya ang GMA-7 atmag-i-expire na rin ang kontrata niya. Hindi naman kaya ipapahinga ang Tok,Tok,Tok ay dahil siya ang magho-host sa Survivor Philippines?

In fairness, sanay na si Paolo sa pagho-host ng realityshow, dahil sa Extra Challenge na the whole time nasa ere ay siya anghost. Sanay na rin siya sa physical and mental challenges na pagdadaanan ng 16castaways na mapipili ng Survivor Philippines for 39 days.

Samantala, nabalitaan ng PEP na kung ang Channel 7 angnakakuha ng Survivor franchise para sa Survivor Philippines, angABS-CBN naman daw ang nakakuha ng franchise ng Fear Factor. Wala pa ngalang official announcement tungkol dito at balak sigurong gulatin ng Dos angmga Pinoy, lalo na ang viewers ng Fear Factor.

In fact, may mga isinabmit na raw na pangalan at may mgatalent manager nang nagla-lobby sa Dos para ang talent nila ang kuning host ng FearFactor. Maganda sana, kung magkakasabay ang airing ng SurvivorPhilippines at Fear Factor, kaso mukhang mauuna ang SurvivorPhilippines, dahil naghahanap na sila ng magiging contestants. Pero, puwedeng-puwedepang humabol ang Channel 2 sa kanilang Fear Factor, dahil kung titingnanang audition schedules ng Channel 7 for Survivor Philippines, buong Mayito at posibleng sa July pa ito ipalalabas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isa pang magiging exciting sa dalawang local realityshows ay kung ang magkaibigang Paolo Bediones at Ryan Agoncillo ang magho-host.Si Paolo for Survivor Philippines at si Ryan for Fear Factor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN