Andrew Schimmer and Maui Taylor act wild as animals in "Torotot"

"Pareho kasi kaming wild dito. We're both veterinarians kayamala-hayop ang mga kilos namin. Pero sa role lang namin iyon," narrates AndrewSchimmer on his and co-star Maui Taylor's roles in Viva Films's Torotot.



Hubo't hubad nga raw ang sex scene nina Maui Taylor at Andrew Schimmer sa pelikulang Torototng Viva Films. Buong ningning ngang pinagmamalaki ni Maui na mas nag-enjoy siya sa eksena niya with Andrew kaysa sa mgamaiinit na eksena niya with Baron Geisler.

Nang malaman ito ni Andrew, nangiti lang ito at sinabi niyana nag-enjoy rin siya sa eksena niya with Maui.Hindi na raw kasi sila nahiya sa isa't isa dahil matagal na raw silangmagkakilala ni Maui.

"Noon pa kasi kami magkakilala ni Maui," ngiti ni Andrew. "Pareho lang kamingnagsisimula pa lang noon at pareho kasi ang mga kaibigan namin. First time kaming nagkasama sa isang movie, ‘tapos sex scene pa.

"Pero wala kaming inaksaya na oras ni Maui. Ayaw naming pagalitan kami ni DirekMaryo [delos Reyes]. Kaya kahit masikip ang kuwarto na pinagkunan ng eksenanamin, performance level kaming dalawa."

Inamin ni Andrew na first time niyang sumabak sa gano'ngklaseng eksena. Sa launching film kasi ni Cristine Reyes ay ‘di raw gano'nkatindi ang mga eksena niyang nakikipag-sex siya. Dito raw sa Torotot aymainit na mainit ang eksena nila ni Maui.

"Pareho kasi kaming wild dito. We're both veterinarians kayamala-hayop ang mga kilos namin. Pero sa role lang namin iyon. Kailangan namingiarte na elyang-elya kami ni Mauisa isa't isa at hindi namin mapigilan kaya kahit sa masikip na kuwarto ayginawa namin."

Big turn-on pa rin ba si Mauisa paningin niya?

"Oo naman! Si Mauikasi parang inosenteng tingnan pero she's like a wild girl!" malakas na tawa niAndrew.

"Pero ang maganda kay Mauiay napaka-professional niya. Yung ginawa namin ay trabaho lang talaga. Kung anoang sabihing gawin namin, yung lang ‘yon.

"Kahit na nagkakakiskisan na kami ng katawan namin, it'sstill work. Pero kahit naman sinong lalake ay mate-turn on kay Maui. Kaya hindi ko masisisi si Baron kung may kakaibang naramdaman siya. Kahit sinong tunay nalalake ay mate-turn on kay Maui,‘di ba?" pagtatapos ni Andrew Schimmer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN