Anne Curtis shares past embarrassing experience in Boracay

"I was like 19or 20 years old. Sa Pier One nangyari yun, e. As in nag-'hello, Philippines'talaga ang panty ko! Grabe!" narrates Anne Curtis.



Enjoy si Anne Curtis sa shooting ng When Love Begins,her movie with Aga Muhlach, lalo na't napakaraming eksena ritong kinunan sa Boracay. Ibang klase nga naman ang mag-shoot ng pelikula sa Bora na parang hinaluan na ng bakasyon. But somefour years ago, mayroong hindi malilimutang karanasan si Anne sa nabanggit naisland paradise.

"I was vacationing with some friends, 'taposnagkainuman," simulang kuwento ni Anne sa PEP (Philippine EntertainmentPortal). "I must admit, nagkalasingan. Sa sobrang kalasingan, may kulitan nanangyari, then yung isa kong friend, she accidentally pushed me. Napalakas yungtulak niya at na-off-balance ako from where I was sitting. Talagang bumagsakako, and I was like wearing a skirt. Naka-panty lang ako at that time, atna-expose tuloy ako.

"Hiyang-hiya ako. I didn't blame naman my friend, kasiI was also teasing her, like that. Accident talaga yun, pero talagangsuper-nakakahiya!" pahabol niya.

Ang leksyon doon ay hindi dapat masyadong uminom, lalo sakaso niya na isang celebrity at nasa isang public place. Definitely, Anne haslearned her lesson.

"Natatandaan ko, hindi ko pa nagiging boyfriend noon siRichard Gutierrez," pagbabalik-tanaw ng young actress. "I was like 19or 20 years old. Sa Pier One nangyari yun, e. As in nag-'hello, Philippines'talaga ang panty ko! Grabe!"

May isyu raw na lumabas noon, diumano'y nakipag-awaysi Anne.

"Hindi nga lumaki, kasi hindi naman totoo," sabi niAnne. "Natulala lang nga ako nang bumagsak ako. Nawala yung pagkalasingko."

PAST LOVES. Nabanggit si Richard Gutierrez, peronginingitian na lang ni Anne ang mga alaala sa nagwakas nilang relasyon.

"Kaya sa ngayon talaga, ayokomuna ng ganyang feeling, yung love. Not for anything else. I mean, ayoko munangmag-boyfriend. Yung feeling kasi na nakakasakit ka ng tao kahit ayaw mo.'Tapos, hindi maiiwasan, nasasaktan ka rin. Kaya huwag na muna. I would getover this feeling siguro, kung talagang ready na ako uli," pahayag ng dalaga.

Parang confirmation din ito na walang katotohanan angpagli-link sa kanila ngayon ni Sam Milby.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Okay kami ni Sam as friends," pagkaklaro ni Anne."Hindi ko naman maide-deny yun, pero wala talaga kaming relationship namalalim, o yung tipong committed kami sa isa't isa."

Pero hindi raw si Richard sa mga naging boyfriends ni Anneang totoong pinaghinayangan niya.

"I felt sad talaga when nag-split up kami ni PaoloAraneta," sabi ni Anne. "Siya kasi yung naiiba sa kanilang lahat,very mature. He was in his ‘30s na when we had a relationship. Ang dami kongnatutunan sa kanya. Hindi lang yung tungkol sa relasyon, pati na yung sa pagha-handleng kinikita ko. He taught me to invest."

Sa mga nakarelasyon niya, sino ba talaga ang iniyakan niya?

"Si Oyo [Sotto]," tahasang sabi ni Anne."Kasi siya yung first love ko talaga. Hindi ko kaagad natanggap nanag-split na kami. I was really hurt, lalo na nang makita kong mayroon nasiyang bagong girl.

"Iyak ako nang iyak. Pero ngayon siyempre, tinatawananko na lang. We ended up to be good friends. Okay pa rin kami ni Oyo,"dugtong ni Anne.

HAPPY AS KAPAMILYA. Ayaw pa ring mag-comment ni Anne sa binalakdiumano ng manager niyang si Veronique del Rosario-Corpus na ilipat siya saGMA-7.

"Hindi ko kasi talaga alam yun," sabi ni Anne."Honestly, wala akong idea. Kasi nga, all the while, happy ako sa ABS-CBN,e. I never had any problem with the station, and even the executives, mababaitsila sa akin."

Threatened ba siya sa pagpasok ni Cristine Reyes saKapamilya network?

"Not at all," mabilis na sagot ni Anne. "Infact, I welcome her with open arms dito sa Kapamilya network. I'm sure,mag-e-enjoy siya sa experience niya rito, the way that I have been enjoying theopportunities.

"Inalagaan naman ako ng ABS, and to think, natupad naang pangarap ko to have a movie with Aga Muhlach. Lahat ng leading ladies, isa yunsa kumukumpleto sa career nila, a team-up movie with Aga, which Star Cinemagave to me.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
"I only have the best wishes and high hopes forCristine. At sana, magkasama rin kami sa isang project. I'm sure we'll getalong well together," sabi ni Anne.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN