Judy Ann Santos on renewing contract with ABS-CBN: "Loyalty is not enough evidence for them to support you."

"Ayoko na lang pag-usapan kasi ang dami kong puwedeng masabina baka pagsisihan ko rin bandang huli. Basta kung ano na lang ang nararamdamanko towards them [Star Cinema], I decided to keep it to myself na lang," says Judy Ann Santos about going up against Star Cinema's movie.



Pagkatapos ng "Don't Lie To Me" segment ng Showbiz Central,kung saan ang young superstar na si Judy Ann Santos ang naupo sa lie-detectortest habang tinatanong ng kanyang kaibigan na si John "Sweet" Lapus, nakausapng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang young superstar sa Broadway Centrum kahapon,April 13.

Sa April 30 ang showing ng kanyang independently produced filmna Ploning, kung saan isa rin siya sa mga nag-produce. Makakasabay nito ang movie naman ngStar Cinema na When Love Begins nina Aga Muhlach at Anne Curtis. Tinanong ng PEP si Juday kung wala bang kaba dahil makakasabay nila ng showing ang pelikula ngStar Cinema, na film arm ng home network niyang ABS-CBN?

"Kampante kami dahil alam naming maganda ang produkto at galing sa puso," sagot ni Juday. "Ako, sobrang dasal na lang talaga kami ng ka-partner naminsa laban na ito. Although hindi naman kami nakikipaglaban, pero siyempre, salahat naman ng bagay may kakumpitensiya. At saka, we consider it as a healthycompetition."

KEEPING IT TO HERSELF. Ang last movie na ginawa ni Juday ay ang 2007 Metro ManilaFilm Festival entry niya from Star Cinema na Sakal, Sakali, Saklolo. Hindi rinmaitatanggi na karamihan sa mga pelikulang nagawa niya were produced byABS-CBN's film outfit. Wala ba siyang nararamdamang pagtatampo dahil sapagkakatapat ng When Love Begins sa isa sa pinaka-espesyal na movie niyangginawa na Ploning?

"Ayoko na lang pag-usapan kasi ang dami kong puwedeng masabina baka pagsisihan ko rin bandang huli. Basta kung ano na lang ang nararamdamanko towards them [Star Cinema], I decided to keep it to myself na lang. I think,yun na lang din ang pinaka-magagawa ko para huwag na lang din ako sabihan ngmga tao na nagpapapansin or huwag sabihan na... Ewan ko kung naiintindihan mo akona, ‘Ay naku, nagpo-promote kaya gumagawa ng isyu.' Kung anuman ang mganararamdaman ko sa mga nangyayari ngayon, siguro I'll just keep it to myself nalang," mahaba niyang paliwanag.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngunit hindi itinatanggi ni Juday na nandoon talaga angpagkagulat sa kanya nang una niyang malamang na magkakasabay pala ng showingang pelikula niya at ng Star Cinema.

"Nagulat, siyempre," sabi niya. "Initial reaction mo... Kasikami, bago pa kami mag-shoot, may playdate na kami, may booking na kami. Kungsinuman ang makakakilala sa mga bookers, they can ask. Ako, nagulat lang. Peroat the end of the day, you can realize na this is just business. Business isbusiness at wala ka namang magagawa roon.

"Kumbaga, sino ba naman ako? Sino nga ba naman si Judy AnnSantos para mag-move ang isang production ng playdate? So, huwag na lang... Ayokona lang anuhin, hahaba lang ang isyu. Ipinagdarasal ko na lang talaga na sana,makita ng mga tao yung pinaghirapan namin. Kaya nga ako nagpo-promote ngganito, kasagsagan kasi, proud na proud ako sa pelikulang ito."

Magkaganuman, umaasa pa rin si Juday na hindi lamang siya saKapuso network makakakapag-promote. Dahil, aniya, sobrang touched siya sasuportang ibinibigay ng GMA-7 sa movie niyang Ploning. Pero umaasa siya na makakapag-promote dinsiya sa ilang shows ng Kapamilya—gaya ng ginawa niya sa Wowowee—dahil evenbefore pa, nakapag-book na siya rito.

CONTRACT RENEWAL. Sa pakikipag-usap ng PEP kay Juday, napag-alaman namin na mayone-year contract pa pala siyang bubunuin sa Kapamilya network. In fact, kasalukuyanpa lang din siyang nagte-taping ng Habang May Buhay, ang soap opera napagsasamahan nila ni Derek Ramsay.

Naitanong ng PEP kay Juday kung pagkatapos bang mag-expire ngcontract niya sa ABS-CBN ay mananatili pa rin siyang Kapamilya sa pamamagitan ngpagpirma muli ng panibagong contract. Maagap ang naging tugon ni Juday rito.

"Pag-iisipan ko muna siguro nang matagal," sagot niya. "Parangfeeling ko kasi, loyalty is not enough evidence for them to support you, e.Alam n'yo yun? Pero siyempre, in fairness naman, ang dami rin naman talagangitinulong sa akin ng mother studio ko. Ang dami rin naman nilang ibinigay napagsusuporta sa akin. I really appreciate those things.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero alam n'yo, meron talagang time na dumarating na theywill test your loyalty. They will test your patience and everything na puwedengi-test sa ‘yo. At siyempre, tao ka lang. Wala ka namang magagawa kundimag-react ka lang. Pero hanggang doon ka lang, hanggang react ka lang kasi naka-kontrataka, e.

"Hindi naman ako yung tipo ng taong magsasabi ng masama sakanila. Ano lang ako, ang puwede kolang gawin, e, hanggang pagsasabi lang ng nararamdaman ko. Pero wala ako saposisyon para magsalita ng masama against them, kasi marami rin naman ang utangna loob ko sa kanila," pahayag ni Juday.

VERY PROUD. Halata namang very proud talaga si Juday sa bago niyangmovie na Ploning. Ayon sa kanya, although it's independently produced, hindi rawdigital camera ang ginamit nila rito kundi film talaga. Live sound din sila kayaumabot din ang budget nila ng P20 million.

When asked kung posible ba na umani na naman siya ng Best Actress award dahil sa Ploning, halatang masaya si Juday sa thought na yun.

"Sana! Kung hindi man, kahit Best Picture na lang, "positive na tugon niya kaagad.

Sobrang laki raw kasi ng difference ng Ploning sa mga pastmovies na nagawa niya. Sobra ring espesyal sa kanya ang project na mismong ang bestfriend niyang si Dante "Ga" Garcia ang sumulat at nagdirek.

"Unang-una, wala akong partner dito," sabi ni Juday. "‘Tapos,first film ko na iba ang dialect ko. Live sound. Cuyonon kami rito.Forty percent Cuyonon and sixty percent Tagalog. Doon na kami nag-aral magsalita ng dialect nila, kasi kailangan kongmag-observe ng mga tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
"Live sound, may libro kami. Yung coffeetable book naginagawa ni Ryan [Agoncillo] ngayon. Kumbaga, lahat nga perfect timing. Hindika talaga puwedeng magkaroon ng perfect moment kasi may isang sasablay, peroperfect timing. I guess, ang lahat ng ito ay nangyayari for a reason atine-embrace ko yung reason kung bakit," pagwawakas ni Juday.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN