Yilmaz Bektas cancels announced presscon in Istanbul

"I think nakakaumay na rin puro Yilmaz, Yilmaz,Yilmaz, na lang ang tinatanong sa akin. Sana iba naman," says Ruffa Gutierrez about estranged husband Yilmaz Bektas (inset, top). Meanwhile, Ruffa's friend, 1998 Miss Universe 2nd Runner-up Joyce Giraud (inset, bottom) denies rumor linking her to Yilmaz.



Lumipas ang araw ng Biyernes, April 11, pero walang naganapna press conference sa Istanbul, Turkey, para sa isang malaking announcement nasinabi ng Turkish husband ni Ruffa Gutierrez na si Yilmaz Bektas.Isa raw sa ia-announce dapat ni Yilmaz ay ang pagpa-file niya ng annulment casesa kasal nila ni Ruffa at ang tungkol sa nababalitang girlfriend niya ngayon nasi Zuleyka Rivera Mendoza, 2006 Miss Universe.

Naikuwento ni Ruffa sa The Buzz last Sunday, April 13, anghuling pag-uusap nila ni Yilmaz. Sabi-sabi lang daw ang tungkol sa annulmentcase ng kasal nila ni Yilmaz dahil wala namang natatanggap na kumpirmasyon angkanyang abugado tungkol dito.

Sa huling pag-uusap nila ni Yilmaz, sinabi raw nito na magiging malayo na siya kay Ruffa at sa Pilipinas. Hindi na rin daw niyaitutuloy ang kanyang press conference sa Istanbul. Bukod dito, wala nang sinabisi Ruffa sa The Buzz.

Ani Ruffa, "I think nakakaumay na rin puro Yilmaz, Yilmaz,Yilmaz, na lang ang tinatanong sa akin. Sana iba naman. Anyway, I think timeheals all wounds. And in the week that he has been gone, tingnan n'yo po ako,wala na po akong wrinkles, hindi na ako umiiyak. I'm happy and I'm back to myold bubbly self. So, in seven days, I feel fresh now. So sana magtuluy-tuloy. Yun lang ang masasabi ko."

Tinanong din si Ruffa ng guest co-host sa The Buzz lastSunday na si Anne Curtis if she'll ever fall in love again.

"Of course! I'm still young, di ba?" sagot niya.

Kasunod nito ay binasa naman ni Boy Abunda ang nilalaman ng e-mailna ipinadala ng dating 1998 Miss Universe 2nd Runner-up na si Joyce Giraud, na natsismisdin na naging karelasyon ni Yilmaz. Si Joyce ay taga-Puerto Rico ringaya ni Zuleyka.

Ipinadala ni Joyce ang kanyang email kay Monet Lu, na isangmalapit na kaibigan ni Ruffa na naka-base sa San Francisco. Narito angnilalaman ng email ni Joyce (published as is):

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Usually, I would not comment on this type of false storiesbut as Ruffa's my dear and longtime friend... I told Ruffie I would only make a statementto clarify this...

"At no time did I have a relationship with Yilmaz... I onlyknow him as the boyfriend-husband of my friend Ruffa.

"The only purpose for my visit to Turkey was to do acampaign that Ruffa had suggested I did... She had a copy of my entire portfolioand organized it for me.

"Again...at no time did I ever have an affair or anyrelationship with Yilmaz. Any such allegations are unequivocally false.

"I love Ruffa and she is a dear friend...

"I also love the Philippines!!! When I was there the peoplegave me so much love they made me feel like I was at home so I hope to go backone day..."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN