"SOP" mainstay Jan Nieto is potential lead actor but sets priority on music

"Honestly, interesado ako sa pag-aartista. Kung mabibigyan ako ng pagkakataon, gagawin ko anglahat para hindi ma-frustrate yung mga susubaybay pa sa mga gagawin ko rito sashowbiz," says singer Jan Nieto.



May mga nagsasabing pressured ang singer na si Jan Nietongayong naghahanap na ng mga bagong sisikat sa Pinoy Idol. Kahit nasa GMA-7 paang simpatikong mang-aawit, hindi naman din nire-recognize ang pagiging isaniyang finalist sa naunang Philippine Idol kasama ang isa pang regular mainstayng SOP na si Gian Magdangal.

"Honestly, hindi ako dapat magpaapekto kasi iba nangang batch ito," saad ni Jan. "Kung hindi nga nire-recognize ng GMA-7 ang naunang PhilippineIdol, walang dahilan para maikumpara rin kami sa mga bagong susulpot sa PinoyIdol.

"Wala akong nararamdamang pressure. For what reason?Okay lang kung maging mas mabilis ang pagsikat ng mga mananalo. Kasi masuwertetalaga sila dahil GMA-7 agad ang sumusuporta sa kanila," pahayag ni Jan sapanayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Para kay Jan, tapos na ang mga araw nila sa Philippine Idolnoon. Matagal na siyang nakapag-move on para ma-establish ang sarili niyangcareer.

"Naging mabagal nga lang, at mabuti in-absorb kami ngGMA-7," sabi ng singer. "Thankful pa rin kami sa GMA, kasi may nangyayari sacareer namin ni Gian kahit paano. Visible pa rin kami.

"We can only wish the Pinoy Idol finalists the best.Being a Kapuso, susuporta rin siyempre kami sa kanila. The same way nasinusuportahan din kami ng GMA-7."

Gumagawa rin ng impact ang bagong music video ni Jan, ang"Sangandaan," na theme song ng forthcoming drama film na Paupahan(Crossroads). Napakaguwapo ng rehistro ni Jan sa nabanggit na video.

"Yun talaga ang kailangan ko, yung recall ng kanta.Lalo na kung mapu-promote din nang husto ang pelikula," banggit ni Jan.

POTENTIAL LEADING MAN. Six-footer mahigitang original Philippine Idol discovery, at may qualities na puwedeng sugalan sapelikula.

"Honestly, interesado ako sa pag-aartista,"tahasang sabi ni Jan. "Kung mabibigyan ako ng pagkakataon, gagawin ko anglahat para hindi ma-frustrate yung mga susubaybay pa sa mga gagawin ko rito sashowbiz.

"Pero kailangang i-prioritize ko ang pagkanta. Ditokasi ako unang nakilala. Hindi pa nga naaayos ang dapat ay una kong album. Sananga, magkaroon din ako ng mga kantang tatangkilikin ng publiko," asamniya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Marami na rin silang musical artists na bini-buildup ngGMA-7. Ano sa palagay ni Jan ang ikabubukod-tangi niya sa karamihan?

"Yung presence ko siguro, kahitpaano napapansin ako kaagad," sagot ni Jan. "Ang kailangan ko lang talaga aymga kantang sisikat, at maa-identify sa akin. Pasasaan ba't darating din 'yan.Natutuwa ako dahil tinutulungan na ako ni Leo Dominguez, who's also managingOgie Alcasid. I just hope na mabigyan din ako ni Ogie ng magagandangcompositions.

"Hindi naman ako nagmamadali. Kami nga ni Gian,nag-uusap palagi, suportahan ang gagawin namin. Parang kami na lang yung natiratalaga sa batch namin na napapanood pa rin palagi, kaya hindi kami dapatbumitaw. Never na naramdaman kong may rivalry sa amin. Kasi lagi kamingnagtutulungan ni Gian, ever since, maski noong kasali pa kami sa contest,"pahayag ni Jan.

RIVALRY WITH GIAN. Nabuntis ni Gian Magdangal ang sexy star na si Sheree. Palagay ba niJan, malabo na talaga ang rivalry sa kanila?

"Sabi ko nga, ever since, hindi ko naramdaman na mayrivalry sa amin," ulit niya. "Kahit nga magkakaanak na si Gian, o kahitnag-asawa na siguro siya, he's more of a singer. Kaya hindi ko naiisip na mayepektong negative sa kanya 'yan.

"Naiisip ko rin nga, masarap na rin sigurong magingtatay. Pero hindi magiging madali sa akin. Unang-una, wala pa naman akong girlfriend para mangyari 'yan. Pangalawa,nakatutok ang panahon ko sa pagpupursigi para sa career ko. Sabi ko nga, hindinaman ako nagmamadali," pagwawakas ni Jan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN