John Prats keeps distance on reported problem of Shaina Magdayao's family

"Naririnig ko but that's their ano [personal life], e. Idon't want to butt in. I'm aware about the issue because I always talk to her [Shaina]," says John Prats about the rumored domestic problem of Shaina Magdayao's family.



Inimbita ni John Prats ang rumored girlfriend niya na siShaina Magdayao sa premiere night ng Manay Po 2: Overload last Sunday, April13, sa SM Megamall Cinema 6. Sad to say, hindi nakarating si Shaina.

"May show siya," sabi ni John nang makausap siya ng PEP(Philippine Entertainment Portal) sa late dinner ng Regal Films sa Max's restaurantpagkatapos ng premiere night.

Bulung-bulungan sa showbiz last week na naglayasang ina ni Shaina na si Mrs. Dianne Magdayao sa bahay nila. Aware ba si John namay ganitong usap-usapan sa pamilya ni Shaina?

"Naririnig ko but that's their ano [personal life], e. Idon't want to butt in. I'm aware about the issue because I always talk to her [Shaina],"pahayag ni John.

Anong tulong ang ini-extend niya para kay Shaina?

"Wala pa naman siyang nababanggit. Pero kumbaga, hindi namannamin napapansin yun."

Bilang special friend ni Shaina, hindi ba siya nababahala satsismis tungkol sa pamilya ng young actress?

"No, I'm always here for her," sagot ng binata.

May napansin ba siyang pagbabago kay Shaina?

"Wala," sabay iling ni John. "Ano, happy siya; and ako rin,happy ako."

Wala ba siyang nakikitang sign kay Shaina na nabibigatansiya dahil sa problema?

"Not a single sign," aniya.

May napansin ba siyang kakulangan sa loob ng bahay ni Shainakapag dinadalaw niya ang young actress?

"Grabe naman!" natatawang sabi ni John. "I don't want tobutt in to that kasi kung anuman. If ever there is, kumbaga, it's theirfamily."

Meron ba siyang gustong sabihin o mensahe kay Shaina nahindi niya masabi kapag magkasama sila?

"Hindi ko na kailangan ng message sa kanya because I alwaystell her every day," sambit ng binata.

Any encouraging words for her to stay strong?

"No need because she's always strong," maikling tugon ni John.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN