Dingdong Dantes shrugs off intrigue his success makes other young actors insecure

"Wala namang reason para ka-insekyuranako. In the first place, sa tingin ko, lahat naman kami na nagtatrabaho nangmabuti, nabibigyan talaga ng iba't ibang klase ng opportunities," says Dingdong Dantes about reports that other Kapuso young actors are now feeling insecure because of his endorsements and big projects.



Ayaw patulan ng isa sa hottest young actors na si DingdongDantes ang intriga na dahil diumano sa sunod-sunod na endorsements niya at angbagong project niya sa GMA-7 na Dyesebel, nagiging source of insecurity na siyang ibang young actors sa Kapuso network.

Sa lahat ng ito, positibo lang ang outlook ni Dingdong. Katuwiranniya, although may mga nagsasabi sa kanya tungkol sa isyung ito, hindi pa rindaw niya basta paniniwalaan ito.

"Well, lahat naman kasi ng ito, wala namang kasiguraduhan. Unless,of course, merong konkretong ebidensiya. I'm not in the position to answer kungmay nai-insecure or what. Kasi para sa akin, it's more on sabi-sabi lang.

"At saka nakikita ko, wala namang reason para ka-insekyuranako. In the first place, sa tingin ko, lahat naman kami na nagtatrabaho nangmabuti, nabibigyan talaga ng iba't ibang klase ng opportunities," paliwanag niDingdong sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Pero what if may mga ganito ngang insidente na posiblenghindi lang direktang nakakarating sa kanya? Ano ang mensahe niya sa iba namaaaring nai-insecure sa kanya?

"I believe naman to each his own," sabi ni Dingdong. "Maykanya-kanya tayong taglay na talents. May kanya-kanyang special talents. Ako naman,sa ngayon, siguro ang nangyayari lang is mina-maximize ko lang talaga kunganumang mga pribilehiyo na natatanggap ko ngayon."

Kababalik lang ni Dingdong mula sa Coron, Palawan, kung saan kinunan ang ilang mahahalagang eksena nila ng leading lady niya sa Dyesebel na si Marian Rivera.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN