Preggy Aubrey Miles allegedly caught sniffing cocaine outside Embassy Bar

Sexy actress Aubrey Miles, who is now four monthspregnant according to her management, was allegedly caught sniffingcocaine near the Embassy bar recently. However, when media tried to confirm the report, Aubrey was nowhere tobe found.


Malakas ngayon ang usap-usapan tungkol sa isang sexyactress na diumano'y nahuli sa aktong sumisinghot ng cocaine sa loob ngsasakyang nakaparada malapit sa Embassy bar sa The Fort kamakailan lamang.

Ayon sa ulat ni Marlon Purificacion ng People's Journal ngayon, April 15, ang naturang sexy actress ay apat nabuwang buntis ngayon sa boyfriend niyang hunky actor. Sa artikulo naman ni Abu Tilamzik ng AbanteTonite ngayong araw ring ito, pinangalanan ang sexy actress bilang si AubreyMiles at ang hunky actor ay si Troy Montero.

Batay sa mga usap-usapan, matapos ang diumano'ypagkakadakip, dinala pa raw ang sexy actress sa Taguig police station ngunitagad din namang pinakawalan.

Bagama't pinilit kumpirmahin ang nasabing insidente, nabigoang Abante na makakuha ng pahayag sa mismong tauhan ng Embassy bar.

Samantala, hindi nagawang kunan ng komento mismo si Aubreykahit na pinuntahan pa ito sa kanyang tinitirhang townhouse sa Valencia Hills,N. Domingo Street, San Juan City. Nangtawagan ng guard ang bahay ni Aubrey, sinabi raw nito na wala sa bansa ngayon siAubrey at matagal pa raw bago bumalik.

POLICE DENIES INCIDENT. Nang tanungin naman ng People's Journal ang Taguig police,itinanggi ng mga awtoridad ang naturang insidente.

Ayon kay Sr. Supt. Alfred Corpuz, hepe ng Taguig policestation, hindi totoo ang balitang may naaresto silang sexy actresskamakailan. Gayundin, siniguro niya nakung sakaling may nahuli nga ang kanyang mga tauhan ay ipapaalamnila ito kaagad sa kanya.

Nang tanungin naman ng PEP (Philippine Entertainment Portal)ang handler ni Aubrey na si Paula Punla, sinabi niya na matagal na silangwalang komunikasyon sa sexy actress simula nang mabuntis ito.

Sa panig naman ng Embassy Bar, sinubukan din ng PEP na kuninang pahayag ng isa sa mga owner nito na si Tim Yap. Sa ngayon ay nasa New York pa si Tim ngunit nangako siya nababalikan niya ang PEP sa oras na makumpirma niya ang balita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bago ilathala ang balitang ito, tinawagan din ng PEP anghotline ng Philippine Drug Enforcement Agency na nakalagay sa kanilang websitengunit walang sumasagot sa kabilang linya.

Bukas ang PEP sa anumang pahayag ni Aubrey o ng kungsinuman mula sa kampo nito upang mailabas ang kanyang panig.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN