Ciara Sotto's Vegas career update: Building permit delays "Fever" opening

Although Fever—her Vegas show with five other girls—has yet to begin, Ciara Sotto says they are being paid for every rehearsal. Shealso said she is now more mature, a much better performer, and now appreciatesindependence and responsibility. Her non-showbiz boyfriend Jojo Oconer flew infrom the Philippines to Las Vegas to give her moral and emotional support.


Sa pamamagitan ng YM at e-mail ay updated pa rin ang PEP(Philippine Entertainment Portal) sa mga nangyayari sa career at personal lifeni Ciara Sotto.

April last year nang umalis ng bansa si Ciara kaya may isang taon nang naninirahan ang young actress-singer sa Las Vegas, U.S.A., kasama ang dalawa pang local singers na sina Karlyn Bayot at RizzaNavales, along with three other female singers from America.

Up to now, hindi pa rin daw sila nakakapagsimula ng kanilangshow sa bagong bubuksan na theater-restaurant na Melanja Sky Hotel andRestaurant sa Las Vegas.

Pero ayon kay Ciara, although there are times she feelsfrustrated dahil sa hindi raw nila inaasahang napakatagal na pagsisimula ngshow nila, wala naman daw siyang regrets nang umalis siya ng bansaand for one year ay manirahan sa Las Vegas.

Aniya, "Yes, there are times I feel frustrated. However, Ido understand naman why the construction of the theater is taking so long.Permits and compliance papers are taking a while to process, but, I'm doingfine. I have adjusted to being independent. I'm having fun. I will surely missthis city and this part of my life when I go back home."

Hindi nga raw nila inakala na napakatagal pala ngproseso at pagkuha ng permits for a new building. Maganda lang sa case nila,they are being paid sa mga rehearsals na ginagawa nila for their Fevershow. And she's hoping that anytime soon, makakapag-start na raw sila.

"The construction of the theater took longer than everyoneexpected. Construction of the theater is still ongoing. But, it's well on itsway to finally open soon."

PEP asked Ciara, what was she able to accomplish during her one-year stay in Vegas?

"I have spent the last year rehearsing for the show. I wouldlike to think I am a better performer because of all these vocal and dancetraining. More importantly, on a personal level, I believe living here alonehas taught me to appreciate independence and responsibility. I think I havematured a lot in the last year.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NO TO WEDDING IN VEGAS. During the Pacquiao-Marquez rematch, umani ng papuri siCiara dahil sa maayos at magandang rendition niya ng "Lupang Hinirang." Sapagkakataong 'yon, all-out din ang naging suporta sa kanya ng buong pamilya niyaand even her non-showbiz boyfriend, Jojo Oconer who flew all the way from Pinasto Vegas to give her the support she needed.

Kailan lang ay umuwi na nga sa bansa ang kanyang boyfriendbut her parents, her siblings, nieces, and nephews are still with her.

"My family has been here with me for weeks already. Sinceit's summer break in Manila, my nephews and niece came here to visit me. Ofcourse my siblings and parents came, too. Except for my parents, I haven't seenmy family for almost a year already. I missed them a whole lot. We took thekids to Disneyland and Universal Studios. We had loads of fun! I am very gladthey are here," kuwento pa ni Ciara sa kanyang e-mail sa PEP.

When it comes to her love life, hindi maikakailang very open si Ciara sa aspetong ito ng buhay niya.

"We are doing great. He was just here to watch me sing thenational anthem. He went with us to Disneyland and Universal. He was just herefor a week. Not long enough. We have been together for more than two years,"ani Ciara.

Itinanggi naman ni Ciara ang possibility na magpakasal ornagpakasal na sila ng boyfriend sa Las Vegas, kahit sabihin pang kumpleto angpamilya niya ro'n at ilang beses na rin siya nabisita ng boyfriend.

Aniya, "I don't think that will happen here in Vegas. Whenwe do get married, we will do it the proper way at the proper time. Notice Isaid ‘when' and not ‘if's. I supposethat answers the question kung siya na nga," sagot pa rin niya sa follow-upquestion namin dito kung sa palagay niya ba ay ang present boyfriend na nga angmakakatuluyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

WORKING ON FIFTH ALBUM. Habang nagbabakasyon ang buong pamilyaniya sa America, kasalukuyan ding nire-record ni Ciara angbago niyang album, her fifth album for BMG Records. Ang daddy nga raw niyang siTito Sotto ang nagsu-supervise ng recording niya with Mr. Chuck Foley as thesound engineer.

"This is my fifth album. It is a very romantic albumcomposed of memorable love songs from years back. It's different because thisone has fast songs that I dance to. The others didn't have that.

"The album will be mostly revival of familiar songs. Thereis one song, though, which is original; and quite special, if I may say somyself. It was made by my dad for my mom."

Isang kanta na lang daw ang kulang niyang i-record atkumpleto na ang bago niyang album. Umaasa naman si Ciara na this coming June,magkakaroon siya ng chance na makabisita sa Pilipinas, at the same time,maka-attend din ng wedding ng kanyang pinsan, at pagkakataon na rin para ma-i-promote niya ang bago niyang album.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN