Joross Gamboa doesn't mind peeping toms or going naked

"Kasi nung nagti-training ako dati sa St. Benilde,after ng training namin ng basketball, lahat kami hubo't hubad sa locker room.Parang dedma lang kahit may makakita sa amin," says Joross Gamboa aboutwhy he doesn't mind peeping toms.


Kadarating lang ng young actor na si Joross Gamboa mula sa mga show niya sa ilang clubs sa Japan. Natiyempuhan siya ng PEP (PhilippineEntertainment Portal) noong nagkaroon siya ng show sa Klownz Quezon Avenue, attinanong na rin kung naka-experience na ba siya ng indecent proposals mula samga Haponesa at mismong sa mga Pinay rin na nagtatrabaho roon. May mga kuwentokasing ganito ang ilan sa mga aktor na nagtrabaho na sa Japan.

Mabilis ang pagtanggi ni Joross sa tanong namin. Aniyapa, "Siguro kaya walang nag-offer sa akin ng indecent proposal dahil mukhakasi akong good boy, 'di ba? Akala nila siguro hindi ko sila papatulan.Ha-ha-ha!

"Kidding aside, kung halimbawang meron man, hindi kosila papatulan. Trabaho lang naman ang pinunta ko roon at hindi monkeybusiness. Saka good boy naman talaga ako, 'di ba?" sabi pa ni Joross.

BUYING LAND. Sa ilang araw na pamamalagi sa Japanay malaki raw ang kinita ni Joross.

"Maganda naman yung kita. Pero sabi ng iba, mas malakasdaw ang kita noon."

Ang kinita ni Joross sa Japan ay inipon niya para ipambiling titulo ng lupa.

"Iniipon ko lahat yun kasi may binibili akong lupa satabi ng bahay namin. Kasi siyempre 'pag lupa, hindi bumababa yung presyo. Soinvest na lang nang invest."

GAY PEEPING TOM. May kuwentong during their stay saJapan ay nagkayayaan ang grupo nila na magpunta sa isang spa sa Mount Fuji.Kasama raw dito ang dating aktor na si Robby Tarroza na siyang promoter niJoross sa Japan. Now, kilalang open nang bading si Robby. How true na nasilipandaw si Joross ni Robby?

"Ang alam ko naka-towel ako roon. Pero kung halimbawaman na nasilipan niya ako, siguro hindi lang ako aware. Kasi dedma lang namanako sa mga nakapaligid sa akin doon. Wala talaga akong pakialam kung maymakasilip man sa akin.

"Kasi nung nagti-training ako dati sa St. Benilde,after ng training namin ng basketball, lahat kami hubo't hubad sa locker room.Parang dedma lang kahit may makakita sa amin," kuwento pa ng young actor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NO LONGER UNDER ABS-CBN.Sa ngayon ay wala na sa pangangalaga ng ABS-CBN si Joross. Si Becky Aguila naang tumatayo niyang manager. Gano'n pa man, bibigyan pa rin siya ng project ngDos.

"Ang pagkakaalam ko, may gagawin ako sa ABS-CBN, 'yung YourSong. Hindi ko pa lang alam kung sinu-sino ang makakasama ko."

E, paano kung si Roxanne Guinoo ulit ang makasama niya, okeylang ba sa kanya?

"Okey lang naman sa akin na magkatrabaho kami ulit niRoxanne. Wala na namang problema sa aming dalawa. Pero siyempre, gusto ko rinnamang makatrabaho yung iba," pa-safe na sagot ng binata.

May gagawin ding show si Joross sa Channel 5.

"Five Oranges yung title. Bale limang cheerleaders yun at isa ako roon. Para yung Desperate Housewives na maypagka-High School Musical.

"Nagwo-workshop na kami para sa show. Makakasama koroon sina Roxanne Barcelo, Megan Young, Say Alonzo, at pulos mga baguhanna."

"Isinama lang ako ni Say sa show. Kumbaga, nirekomendaniya lang ako. Si Say kasi barkada na kami noon pa sa St. Benilde."

"MARIA" LENDS A HAND.Sa ngayon ay zero ang love life ni Joross. "Trabaho muna siguro ako. Sakana muna yung love life."

Kung wala siyang love life ngayon, e, di zero rin ang sexlife niya?

"Hindi zero. Nandiyan naman si ‘Mariang Palad,' eh.Ha-ha-ha!" biro pa ng binata sa amin.

Sa ngayon ay sa parents niya na ulit nakatira si Joross.Nagdesisyon siyang iwan ang condo na tinitirhan niya dahil nami-miss na rawniya ang kanyang pamilya at naramdaman daw niya na malungkot pala kapagnag-iisa.

"Iba pa rin talaga kapag kasama mo ang pamilya mo, 'diba?"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN