Ryan Agoncillo celebrates birthday in "Ful Haus"

Ryan Agoncillo celebrated his birthday and the launching ofhis album in Eat... Bulaga! last year. This year, he celebrates hisbirthday in Ful Haus.



Nakita ng source ng PEP (Philippine Entertainment Portal) nanasa taping ng Ful Haus noong Monday si Ryan Agoncillo.

Para makasiguro kung guest nga ang TV host-actor at bakanaman napadaan lang, tinawagan ng PEP ang manager nitong si Noel Ferrer namabuti't nakabalik na ng bansa mula sa Italy sa shooting naman ng GMA Filmsmovie na I.T.A.L.Y. (I Trust And Love You).

Kinumpirma ng talent manager na hindi lang bumisita si Ryansa taping, siya talaga ang guest sa nasabing episode na kung hindinagkakamali ang PEP ay airing na for Sunday, April 20, dahil birthdaypresentation ng TV host-actor na nag-birthday noong April 10.

Si Malou Choa-Fagar pa ang nag-imbita kayRyan para mag-guest at sa Ful Haus i-celebrate ang birthday. Last year,sa Eat...Bulaga! naman nag-birthday si Ryan, sabay ng launching ng albumniya mula sa Vicor Records.

Naalala ng PEP na there were some plans na sa Eat...Bulaga!din i-celebrate ni Ryan this year ang kaarawan, pero naging busy ito sa Ploning,ang pelikula ng girlfriend niyang si Judy Ann Santos, dahil kinomisyon siyang direktor nitong si Dante Garcia na gumawa ng coffee table book based sa mgalitratong kuha niya sa location shooting ng movie at sa Cuyo Island, Palawan.

Anyway, kinumusta namin kay Noel ang first time na pagsasamanina Vic Sotto at Ryan sa show. Hindi ba nailang ang huli dahil Prince ofComedy ang kanyang ka-eksena?

"Masaya ang taping. Idol ni Ryan si Vic at tuwang-tuwasiyang makatrabaho ito. Touching din na sila pa ang nakaalalang birthday niRyan. Nagtanong nga si Ms. Malou kung magkano ang talent fee ni Ryan, sabi konaman, sila na ang bahala. Ang makapag-guest sa isang episode ng show ay honorenough for Ryan," sabi ni Noel.

DOBOL TROBOL CAMEO. Inalam na rin ng PEP kayNoel kung matutuloy pa si Ryan sa Dobol Trobol, dahil sa mga naunangpress releases ng movie, nabanggit na kasama sa cast ang TV host-actor. Kayalang, nagsimula na ang shooting ng Vic-Dolphy movie at wala nang balita kungkasama pa si Ryan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Cameo role lang naman siya at hinahanapan pa ni Direk TonyReyes kung anong babagay na role sa kanya. Sinabi na naman ni Ryan na kahitbatuk-batukan lang siya nina Vic at Dolphy, basta kasama siya sa movie ay okeylang sa kanya. Saka, pangako ni Direk Tony ‘yun na isasama siya sa movie."

Siyempre, inalam din ng PEP kung ano ang bagong show ni Ryansa ABS-CBN. Ysabella pa ang last regular show niya at matagal na yun.Nabalitang si Ryan ang magho-host ng PDA o Pinoy Dream Academy, perowala pa ring balita tungkol dito.

"Wala pa siyang ginagawa ngayon. Meeting-meeting pa kamiwith ABS [CBN]. Kaya nga libre siyang nakapag-guest sa Ful Haus atnatapos ang coffee table book, dahil hindi siya busy," pahayag ni Noel.

COFFEE-TABLE BOOK. Ploning din ang title nito at kung matatapos sa oras, gustosana ni Direk Dante na sabay sa showing ng movie sa April 30, ang launchingnito. Ayon kay Direk, aabot sa 200 pages ang libro at 195 pagesang magagandang litrato na kuha ni Ryan at ng kanyang crew na isinama sa CuyoIsland.

Umabot sa 4,000 pictures ang kuha ni Ryan at pinili lang angpinakamagaganda para sa libro. Ang sama ng loob daw ng photographer dahilnanghinayang sa mga litratong hindi nagamit, na mas marami kaysa sa mga nagamit.

Take it from Direk Dante, hindi lang ang pelikulang Ploningang aabangan ng tao, pati na rin ang coffee-table book na ang mga litrato'ypinaghirapang kunan ni Ryan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN