PEP EXCLUSIVE: Sharon Cuneta works to the bone and considers it an honor

Sharon says that being in Star Cinema's biggest movie to date is an "honor."



Nakatanggap ang PEP ng panibagong text messages mula saaktres na si Sharon Cuneta kaninang 5:24 ng hapon (10:24 ng umaga, Londontime) at 8:41 ng gabi (1:37 ng hapon, London time).

Gaya ng naunang text ng Mega star sa PEP kaninang alas-tresng hapon, ang mensahe ay galing sa London, England, kung saan gumagawa ngpelikula si Sharon—na nagse-celebrate ng kanyang 30th anniversary sa show business ngayong taon—para sa Star Cinema, na nagse-celebrate naman ng 15th anniversary nito sa film production.

Gaya rin nang nauna, ang mga text ay addressed sa PEP editorin chief, na humingi ng permiso sa Mega Star upang maibahagi ang mga ito sareaders ng PEP. Wala namang pag-aalinlangang pumayag ito, na nagbilinlang na i-spell out ang abbreviations niya kung ito ay makakatulong sa masmadaling pagbabasa ng mga text.

At gaya pa rin nang nauna, buhay na buhay ang mga kuwentorito ng premayadong star/producer/singer/host. Di kailangang nasa premier British city ka kasama nina Sharon, JohnEstrada, at Makisig Morales o ng direktor nilang si Chito Roño para maramdamanang pinagdaraanan nila.

Ang biro nga rito sa PEP, mas magaling pa yatang reporter siSharon kaysa sa ilang beteranong reporter! Kaya eto na ang "report" ng London"correspondent" ng PEP—iyon nga lang, walang bayad!—na si Ms. Sharon Cuneta:

"Yes, it's been a 'shock to my system' since we got here! Soplease forgive my memory at sandamukal na memory cells ko ay nahulog na! At theairport now for the second-to-the-last scene—drama pa, e, I'm duling na! Getback to you, ha? Please forgive me if I don't get to reply agad—takes me awhile talaga because of the lack of time and difficult sked daily, plus thepraning weather. Naka-glue na script ko to my face, eh, no choice!:)"

Ilang oras ang makaraan, eto ang panibagong text ni Ms. Sharon:

"Okidoki may ending na!!! Transferring to next location na.Dami pa but at least tapos na the airport sequences! We had to go back therekasi we didn't finish last time. Kaya dagdag araw pa!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And everyone who's shot abroad—especially Europe—has said that madugo talaga. I heardsome would get about the same amount of sleep lang as I do now and shoot allday din. Travel overnight—we've done it twice na, another coming up!

"Mas kawawa the crew because we artistas get puyat, andleave—sila, they have to pack all pa. Even if we have to wake up early next dayto go straight to work, they do so also and much earlier pa to set up!

"Hay naku. Per diem goes only too far for them becausethey'd rather send the [money] home than buy food. London, when I last checkedsa cnn.com, is the 2nd most expensive city in the world! Imagine?!

"And they said this is Star Cinema's biggest and mostexpensive movie ever. Quite an honor, really.

"Though it's true pala na ‘madugo' talaga to shoot abroadlike Tita Malou [Santos, Star Cinema managing director] said. Grabe, Jo-Ann[Maglipon, editor of PEP]!

"Never had to work so hard before on a movie every day.Díyan kasi I do other things, so more often than not I'm not so bugbognaman—but it's gonna be great!

"By the way, Kiko [Senator Francis Pangilinan, Sharon'shusband] flew in yesterday from South Africa, where he went for some officialgovernment business. (With Senator Jinggoy Estrada, etc). He's leaving forManila na tomorrow though :-( Better than nothing! Okidoki gotta keep cellnow."

Nang sumagot ang PEP sa mga texts, nag-postscriptang Mega Star:

"Mwah! We are buyinglunch now. Direk [Chito Roño] and John [Estrada] got off to go to a Chineserestaurant. [The others] went to get some chicken and hopefully some Indianfood. Am in the van, and after texting you, will go back to reading:-)

"Then we're off to shooting at the church beforetransferring to another location.:-) You can print that and stuff like thisto come, if you want. Hugs and thanks again!!!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At diyan muna nagtatapos ang masayang "report" natin from London!Hintayin nating nasa van muli ang lead star ng Caregiver, at ito aymakaisip muling magpadala ng makulay na updates para sa lahat ng Sharonians,present and future. Sa gayon ay makita natin ang hindi madalas napag-uusapan—ang hirap at dedikasyon sa trabaho ng ating mga artista, direktor, producers, at crew, upang makabuo ng pelikulang maipagmamalaki, anibersaryo man o hindi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN