Boy Abunda evades questions about Cristy Fermin's absence on "The Buzz"

"Marami na kaming pinagdaanan ni Cristinelli sa buhay. Hindinaapektuhan ang aming pagiging magkaibigan, and certainly not this one," says Boy Abunda about Cristy Fermin (inset).



Hanggang ngayon ay usap-usapan pa rin ang non-appearance niCristy Fermin sa showbiz talk show ng ABS-CBN na The Buzz last Sunday, April13. Tuloy, marami ang lumabas na espekulasyon na nag-resign na si Cristy sashow dahil sa insidenteng nangyari noong April 6 episode nila.

Sa naturang episode ay guest nila si Annabelle Rama atpinag-usapan ang tungkol sa naipanalong libel case nito laban kay Cristy. Maymga binitawang salita si Annabelle patungkol kay Cristy, na sa pakiramdam ngiba ay tila hindi tama dahil co-host ng naturang programa ang pinariringgan ngkanilang guest.

Nagkataon naman na nagpaunlak ng interview after the showang co-host ni Cristy sa show na si Boy Abunda, na siyang nag-interview kayAnnabelle the previous week. More or less, posibleng may idea si Boy kung bakitwala that afternoon si Cristy.

"Ay, hindi ako puwedeng sumagot," pag-iwas ni Boy nang tanunginsiya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Sa pananaw ni Boy, dapat manggaling ang official statementsa pagkawala ni Cristy sa show mula mismo sa executives ng The Buzz.

Pero sa tingin ba ni Boy ay may kinalaman sa naganap nainterview niya kay Annabelle ang pagkawala ni Cristy sa The Buzz last Sunday?

"May kinalaman sanaganap last week," pag-amin niya. "But I'm not in the position to explain. Youcan probably ask Cristinelli [tawag ni Boy kay Cristy]."

Pero tiniyak naman ni Boy na hindi maaapektuhan ang matagalna pagkakaibigan nila ni Cristy dahil sa kanilang trabaho.

"Marami na kaming pinagdaanan ni Cristinelli sa buhay. Hindinaapektuhan ang aming pagiging magkaibigan, and certainly not this one. Sanamasabi ko ang ilang detalye, pero hindi ako at liberty to say them, itong mgadetalye. Pero hindi, hindi ito makakaapekto sa amin ni Cristy at nagsasalitaako ng patapos," giit ni Boy.

Sinabi rin ni Boy na nakapag-usap na sila ni Cristy, peroayaw niyang idetalye ang kabuuan ng kanilang pag-uusap.

"Pero ang sasabihin ko lang ay kami ni Cristinelli, ‘pagtama siya sinasabi kong tama ka. ‘Pag mali siya, ipinararamdam kong mali siya.At alam ni Cristinelli na hindi ako magde-detalye dahil wala akong karapatan.Kung anuman ang nangyari, I stood by her," ani Boy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Babalik na ba si Cristy sa The Buzz sa darating na Linggo(April 20)?

"Ah, bakit? Umalis ba siya? Ang alam ko, paalis siya ngCanada. Ang bumabalik ay umaalis, so hindi ko pa alam," sagot niya.

THE ANNABELLE RAMA INTERVIEW. May mga naisulat na komento bilang reaksiyon sa mga sinabini Annabelle sa The Buzz tungkol kay Cristy. Ayon sa ilang komento, bagsak naraw si Cristy ay tinadyakan pa siya. Ano ang masasabi ni Boy rito?

"Hindi ako magku-comment kasi masyadong malalim ‘yan," sagotni Boy. "Masyado akong maraming alam at kung ang sasabihin ko ay kapirasolamang, hindi tayo magkakaintindihan. Hahayaan ko na lamang ang mga kinauukulanang magpaliwanag diyan. Pero kung ako ang nagsabi niyan, magpapaliwanag ako.Pero hindi ako, e.

"So, it's best I think you talk to Cristenelli. It's bestyou talk to Buzz executives para sila ang magpaliwanag nang buo. Kasi kungkapiraso lang ang sasabihin ko, hindi tayo magkakaintindihan at kungmagsasalita naman ako sa aking nalalaman, nakikialam ako masyado. E, masyado naakong daming pinakikialaman. Bakit pa ako makikialam ng mga hindi ko dapatpakialaman?"

Personally, ano ang naramdaman niya sa mga pahayag ni Annabellelaban kay Cristy?

"Ah, kasinungalingan naman kung sasabihin ko sa iyo aypagbubunyi," sabi ni Boy. "There was some discomfort. Pero I'm used to doing myjob. I have been through many interviews. So, hindi naman bago sa akin angpakiramdam na ‘yon. Marami na akong mahihirap na interviews na pinagdaanan."

But this time, in one word, paano niya ide-describe angnaramdaman niya that time?

"Wala naman. It was not an interview that I feared. It wasnot an interview that was different. I mean, it was not a strange feeling. Itwasn't about me. It's not about how I felt. Don't get me wrong, but it is notabout me. Ang akin lang, the farthest that I would go, I wish it didn't happen.Yung I wish it didn't happen na may nasasaktan," pahayag ni Boy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang impression naman ng iba sa interview niya kay Annabelleay wala raw nagawa si Boy para ipagtanggol si Cristy. Ano ang reaksiyon dito ni Boy?

"Dahil ang pinakamagandang gawin sa pagkakataong ‘yon aywala kang gawin. Some people don't realize that. May mga taong naggagaling-galingan.Ten years ago, I may have committed that mistake of trying to say words thatshouldn't be said. Yung wala akong nagawa para sa aking opinion was the bestoption," pagtatapos ni Boy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN